A River of blood in Syria but no one cares because it's not Paris |
Dumanak ang dugo sa Syria
nagmistulang ilog na pula.
Mga musmos na inalisan
ng karapatang huminga.
Mga batang walang muwang
pero nadamay sa ganting dahas.
Maraming sugatan
mga gusaling nabuwal
mga bubog na nagkalat
mga pader na nagkapira-piraso
kahit pook dalanginan
at mga ospital
binomba at halos maabo.
Walang pumansin.
Walang umusal ng panalangin
walang kulay ng bandilang ipinaskil
sa facebook man o twitter.
Dito man sa sariling bayan.
Halos walang pumansin
noong paslangin ang ilang Lumad
at kanilang mga lider.
Dahil sa karahasan
ang mga kapatid nating lumad
napilitang magsilikas.
Dumadanak ang dugo
doon sa lupang pangako
pero walang malasakit
at panalangin man lang ang karamihan
lalo itong pamahalaan.
Mas abala sila pag-estima sa mga dayuhan
na dadalo sa maluhong pulong sa Kamaynilaan.
Palibhasa kasi ang Syria at ang bayan natin
hindi naman syudad ng Paris.
Kaya ang krimen sa atin
walang panalangin
para lang ito sa Paris.
para lang ito sa Paris.
"Pray for Paris" | PWK©2015
Ang larawan ay mula kay