Ipinapakita ang mga post na may etiketa na korap. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na korap. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Agosto 21, 2013

[maria baleriz liwanag] pakikiramay

Walang komento:

sino nga ba nag nagnanais
sa tuwing ang langit tumatangis
yaring pag-apaw ng mga batis
lilikha nang sanglaksang hinagpis?

kung sa bawat pagbuhos ng ambon
aawas ang tubig sa mga dam at ilog
hahayaan na lamang bang tayo'y ilugmok
nitong pagragasa ng baha at putik taun-taon?

aasa na lamang ba ang mga nayon at lungsod
sa awang wala naman sa mga pulitiko't panginoong
kumakamkam ng mga lupa at tubo sa matagal na panahon
habang sa mga tahanan hikahos ang baon-baon?

bawat segundo may kandilang itinutulos nang panalangin
bawat minuto may naghihingalo sa kahirapang sila ang dahil
bawat oras may pumapanaw sa kanilang pagkasakim
hanggang kailan ang itatagal ng pagtitiis?

hanggang saan ang hangganan ng pagtitiis?

hindi paghihintay ang pakikiramay
na maambunan tayo ng limos na sa atin papatay

hindi ito pag-asang maliligaw
sa ating pinto ang hustisya

sama-samang pagkilos natin ang pakikiramay
upang mga punla ng katarunga'y itanim
at sa kinabukasang nalalapit
lipunang 'di na paaapi ang ating aanihin.


Image by FlamingText.com

Martes, Enero 15, 2013

[piping walang kamay] abot

Walang komento:

bakit kaya silang mga biktima
nitong bumisitang si Pablo
hindi maabutan ni Enrile ng halaga
na ipinamahagi niya
sa ilang mga senador ng bansa?

siguro nga
mas naghihirap silang mga mambabatas
kaysa sa mga biktima
at milyong mga maralita...


Image by FlamingText.com


*ang larawan ay mula sa CNN

Biyernes, Enero 11, 2013

[maria baleriz liwanag] hati-hati

Walang komento:

masdan natin
at bilangin na din
baka sakali
malaman natin ilan ang mga nagkukumahog
sa biyayang isinilid sa isang supot
na magtatawid sa sikmurang kumakalam
at tuyot na lalamunan
hanggang sa kasalukuyan

habang ang ilan sa Senado
nagpipista sa biyayang kanilang natamo
sa isa sa mga panginoong namumuno sa estado
at sa pamimigay ng regalo
balak pa atang daigin si Santa Claus na di naman santo

kukulangin ang ilang oras nang pagbibilang
at maaaring magkaulol-ulol ang dila nino man
habang binibigkas isa-isa ang bilang
ng kabuuhang halaga na kanilang
pinaghati-hatian...

Image by FlamingText.com

*ang mga kamay sa larawan (mula sa theAtlantic) ay kuha mula sa mga nag-aagawang biktima ng kalamidad noong nakaraang taon sa Compostela Valley. 



Biyernes, Setyembre 7, 2012

[maria baleriz liwanag] patalim lumalapit

Walang komento:

kamusta setyembre?

ang pangangailangan mo
humigpit pang lalo
dahil ba palapit ang pasko?

wala pang isang linggo
mula noong dumating ka dito

Miyerkules, Setyembre 2, 2009

[bidyo / komentaryo] kung ano ang puno siya ang bunga

Walang komento:






mikey arroyo: "...ill-gotten? hindi naman gaanong kalakihan iyan..."

**ang kapal ng mukha! hindi gaanong kalakihan? palibhasa mana sa mga magulang na kurakot kaya binabalewala ang halaga ng pera ng taongbayan basta sila makapangurakot lamang. mahusay paglaruan ang batas. ang kapal pa na maghamon na kung may nakikita tayong mali idemanda o maghabol tayo sa korte? tinamaan na ng mahusay na kawatan. talagang pati ang hustisya dudumihan. matapang na makipagharap sa korte dahil kayang kaya nilang paikutin ang hustisya sa bansa.

may araw din kayo sampu ng mga tuta ninyong korap sa gobyerno!

-piping walang kamay


Image by FlamingText.com