si...

isang karaniwang nilalang. may dalawang mata, dalawang tenga, ilong, isang bibig, dalawang kamay, dalawang paa, isang mapagmahal na puso, at lumalabang utak. tahimik pero makulit. mabait kapag tulog at nasa larawan. walang imik. mababaw lang ang kaligayahan. masiyahin. malungkutin minsan. binuo nang pagmamahalan ng kanyang mga mahal na magulang matapos ang siyam na buwan noong ika-16 ng hunyo ng taong 1982. sportsminded. naglalaro ako ng baseball at soccer. pero pinakahilig ko ang maglaro ng basketball.



mayroong tatlong persona sa mga akda sa pulot-sapot na ito.


Image by FlamingText.com


nagmamahal. nakikibaka para sa karapatan ng mamamayan. batang palaboy. mahilig maglakbay, maglakad. humaling sa mga bulaklak, paru-paro, bituin, buwan, bahaghari. hanap ay pagbabagong panlipunan. salamin ng bawat tao. sapagkat tayong lahat sa kasalukuyan ay animo mga pipi at walang kamay sa lipunang ito. maraming dahilan para umalma. subalit hindi maipadinig ang nadarama. natatakot. nangangamba. sapagkat sinisikil. pinipigil. may kamay tayo subalit mistulang wala. sapagkat hindi natin ginagamit upang ipaglaban ang ating karapatan para sa isang makatarungang lipunan.


Image by FlamingText.com

ang babae sa aking pagkatao. matapang. makabayan. mapagmahal. mandirigma sa kanyang larangan at pakikibaka para sa masa. maraming pangarap. pamilya. makakain ng tatlong beses isang araw ang bawat tao. pero kahit siya madalas sumala. 



Image by FlamingText.com

ang ikatlong persona. mahilig sa palakasan. tumakbo sa damuhan. maligo sa ulan. umakyat sa mga puno. manghuli ng tutubi. maligo sa dagat at karayan. ang romantiko. mapagmahal. mulat. walang bisyo. pangarap magkaroon ng alagang lampasot (dolphin).


hangad kong makilala kayo at ang inyong nagpapatuloy na kasaysayan. sapagkat ibig ko ang walang katapusan aral na iniaalok nitong buhay, naniniwala akong matututunan ko ito mula sa iyo. kaya sana marinig ko ang iyong kwento. at hangad kong matuto ka din sa mga akdang ibabahagi ko dito. mula ito sa mga bumubuo sa lipunang mayroon tayo. para sa ating pagkamit sa makatarungang lipunan. hangad kong makasama ka.

Walang komento: