...at ang bata ay lumuha
pumalahaw ng iyak
halos di na nga makakita
dahil sa pikit matang pagtangis
sa kanyang manikang nasira
hayun at kurot ang inabot
mula sa inang nayayamot
naririndi sa ingay na likha
nababanas na akala mo di dumaan sa pagkabata
ang nanay na ngayoy sambakol ang mukha
pero tingnan mo ngayon ang dating paslit
malayo na mula sa musmos ng pag-iyak at awit
heto masdan mo't taas kamaong tumitindig
di alintana ang hirap at pasakit
para sa karapatan ng kababaihang sa lipuna'y minamaliit
nireregla ka hindi dahil sa wala lang
habang ang isang paa moy nasa hukay sa tuwing magsisilang
kaya ba iyan ng mga kalalakihan?
o mas angkop itanong matatanggap ba nila ang ganyan?
sa palagay ko'y hindi...
sapagkat di talaga sila tunay na matatag
alam lamang nila ay gawin kang parausan
utusan at bilangin ang mga babaeng sa kanila'y nagdaan
kaya ka babae
upang gawin lahat ng halos imposible...
ituwid ang maling palagay ng lipunang pyudal
at patunayang hindi ka robot na de-susi
na hindi ka sunud-sunuran sa bawat mga utos
may talino kang mag-isip at kumilos
para sa paglaya ng iyong uri
ng kababaihang kay laon nang dinuduhagi
at ikaw babae...
hindi ka mahina tulad ng itinatak sayo ng lipunan
hindi ka lang pambahay at tagapanatili ng kaayusan
maraming bagay pang magagawa ang kababaihan
sapagkat ikaw ay sagisag ng husay at katapangan
at ikaw babae...
hindi ka lumuluha dahil sa ikaw ay mahina
dahil bawat luha mo'y patak ng tatag ang iyong ipinapakita
babae kang kayang tumapat sa kakayanan nino man
hindi ka nilalalng para gawing palahian

di tunay na mahina kagya nang kanilang sabi
ikaw ang tunay na simbolo na tatag at tapang
sapagkat ang luha ay katapangang ipakita ang iyong nararamdaman
at ikaw babae
palaban
matapang
militante!