Linggo, Oktubre 30, 2011

[maria baleriz liwanag] masisisi mo ba silang magbenta ng sarili?



maliit ang perang laan para sa mga kolehiyo at paaralan
ganun din sa mga institusyong pangkalusugan
paano mapapangalagaan ang batayang karapatan
nitong mga mamamayang binubusog ng kahirapan
sanhi ng labis na pagsasamantala nitong mga naghahari-harian

napakaraming walang trabaho sa paligid
kaya problema maging ang iinuming tubig
samu't-saring tao ang nagtatangka sa mga lansangan
bakasakaling mahanap nila ang magiging puhunan
upang makapagsimula ng kabuhayan
kahit halos magkandautang-utang na ang kalagayan
at ang sasahurin ay tila limos na lamang
kumpara sa tubo at ganansya ng mga may-ari
at ng mga pulitikong mukha na ding mga pari

titiisin ang lahat ng sakripisyong dapat pagdaanan
kahit ang hitsura ay pumila na ang haba ay mula quirino grandstand
hanggang doon sa monumento ni Bonifacio sa Caloocan
dadaigin pa nila ang nakagapos ang mga kamay
sa tiyagang maglakad kahit ang mga paa'y nangangalay 

hindi mo din masisisi kung may kumapit na sa bente-nuebe
at maghanap ng mabibiktima sa pusikit na gabi
o kaya naman sanhi ng kagipitan sa mga gameshow sumasali
pero iyo ba silang masisisi
kung dumulo na sila sa pagbebenta ng sarili?

masisisi mo ba sila matuwid na presidente?

*itong tula ay maaari ding makita sa facebook


Image by FlamingText.com