Ipinapakita ang mga post na may etiketa na oil price hike. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na oil price hike. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Hulyo 25, 2013

[piping walang kamay] weekly increase

Walang komento:
kailan naman kaya uradang itataas
ang sahod ng mga manggagawa?

presyo na lang ba lagi ng langis ang mabilis?

ganito.

kung kada linggo kaya itaas natin ang sweldo
payag kaya kayong mga nasa gobyerno
at itong mga amo ninyong nabubuhay
sa pagsisipag ng maraming tao?


Image by FlamingText.com

Linggo, Hulyo 14, 2013

[piping walang kamay] propaganda

Walang komento:


kung kakahig ng mga salita
sa mga pader na iyong makikita
gawin mo kagyat kasama

kahit hindi magtagal at agad-agad mabubura
lalo't kapag binasa maraming makakaunawa

ang mahalaga yaong mensaheng dala-dala
tungkol sa gobyerno't kainutilan nila
sa serbisyong dapat sa tao mapunta




Image by FlamingText.com


*ang larawan ay mula sa demotix

Huwebes, Hulyo 4, 2013

[maria baleriz liwanag] tiis-tiis na lang muna

Walang komento:
umuugong na tunog
animo pagod na pagod

sa bigat ng mga pasahero
tila di na makakaahon

ang dyip ni manong

napakataas kasi ng presyo
nitong petrolyo

pati tuloy itong makina
tila kinakausap niya

tiis tiis na lang muna


Image by FlamingText.com