sana makita ko ang pagpatak ng pait
sana masaksihan ko ang pagragasa ng sakit
nais kong masilayan ang iyong pagdadalamhati
nais kong ikulong ka sa yakap kong madalas magkunwari
hindi nga lang dahil sa ikaw ay lumuluha
kundi dahil sa ako man ay nasasaktan
hindi dahil sa ikaw ay tumatangis
kundi dahil batid kong ako man naghihinagpis
paano nga ba kakanlungin itong nadarama
kung sa bawat pagpintig
sa bawat paghinga
natatanaw kong papalayo ka
kung makakausap ko lng ang mga tala
ngayong umagang wala na nga atang gaganda
ginawa ko na sana
subalit ang mayroon ako ay ikaw
at ang ambon na ngayon ay aking kasayaw
at ang luhang kasabay na rumaragasa
sa matang kong tila di na nagsawa
alam ko.
matatapos din ito.
marahil.
marahil.
pag wala na ako.
**katha ni maria baleriz
Linggo, Disyembre 9, 2007
Huwebes, Disyembre 6, 2007
[piping walang kamay] langib at pilat
at maaari nga
hindi na muling makikita
kundi sa mga larawan na lang at alaala
at maaari nga
hindi na muling makikita
ang mga luha at mga ngiti
ang damdamin mo't pakikibaka
para sa masa
na ating iniibig
pinaglilingkuran
ipinaglalaban
at maaari nga
hindi na kailanman maririnig
sa malapitan
ang mga aral mo at pagsasalaysay
at maaari nga
hindi na maririnig
ang mga paghalakhak
kahit ang iyong pag-iyak
at maaari nga
hindi na kailanman madarama
ang pagpintig ng iyong puso
ganoon na din ang paghinga
at maaari nga
hindi na madarama
ang mapag-aruga mong kamay
at paghawak mo ng mahigpit
sa ating pakikibaka
at maaari nga
hindi na kailanman makakasama
babaha ng luha
at magiging musika ang mga pagtangis
iduduyan kami ng pagdadalamhati
ngunit hindi ka namin matitiis
patuloy kang mananatili
dito sa puso't isip
magpapatuloy
raragasa
ang higit pang pakikibaka
mula sa iyong mga aral
inspirasyon kang aming bitbit
daladala
sa lahat ng dako
sa lahat ng panahon
sa lahat pagkakataon
sa aming pagrerebolusyon
tulad mo ngayon
ay sugat na malapit nang maghilom
ang langib ay marahang
humihiwalay sa lupang
matagal na panahong ipinaglalaban
samantalang sa iyong pagpanaw
iiwan mo ay pilat
sa aming gunamgunam
habang buhay na kasama
saan man kami mapunta
dito sa puso
dito sa alaala
at kahit nga sa huling sandali
na kami man din ay susunod na
sa kung saan ka na ngayon papunta
taas kamaong pasasalamat!
sa pagkakataon
na makilala ka't makasama
sa pagkakataon na matalos
ang iyong kasaysayan
...dakilang anak nitong bayan!
*tulang alay para kay sir monico atienza
hindi na muling makikita
kundi sa mga larawan na lang at alaala
at maaari nga
hindi na muling makikita
ang mga luha at mga ngiti
ang damdamin mo't pakikibaka
para sa masa
na ating iniibig
pinaglilingkuran
ipinaglalaban
at maaari nga
hindi na kailanman maririnig
sa malapitan
ang mga aral mo at pagsasalaysay
at maaari nga
hindi na maririnig
ang mga paghalakhak
kahit ang iyong pag-iyak
at maaari nga
hindi na kailanman madarama
ang pagpintig ng iyong puso
ganoon na din ang paghinga
at maaari nga
hindi na madarama
ang mapag-aruga mong kamay
at paghawak mo ng mahigpit
sa ating pakikibaka
at maaari nga
hindi na kailanman makakasama
babaha ng luha
at magiging musika ang mga pagtangis
iduduyan kami ng pagdadalamhati
ngunit hindi ka namin matitiis
patuloy kang mananatili
dito sa puso't isip
magpapatuloy
raragasa
ang higit pang pakikibaka
mula sa iyong mga aral
inspirasyon kang aming bitbit
daladala
sa lahat ng dako
sa lahat ng panahon
sa lahat pagkakataon
sa aming pagrerebolusyon
tulad mo ngayon
ay sugat na malapit nang maghilom
ang langib ay marahang
humihiwalay sa lupang
matagal na panahong ipinaglalaban
samantalang sa iyong pagpanaw
iiwan mo ay pilat
sa aming gunamgunam
habang buhay na kasama
saan man kami mapunta
dito sa puso
dito sa alaala
at kahit nga sa huling sandali
na kami man din ay susunod na
sa kung saan ka na ngayon papunta
taas kamaong pasasalamat!
sa pagkakataon
na makilala ka't makasama
sa pagkakataon na matalos
ang iyong kasaysayan
...dakilang anak nitong bayan!
*tulang alay para kay sir monico atienza
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)