walang pulang rosas
sa aking mga kamay
upang sa araw ng puso
sa iyo'y aking ibigay
walang matamis na tsokolate
akong maiaabot
walang lobo't regalo
akong maihahandog
at kahit itong liham
batid kong di aabot
upang iparating ang pagbati
ng mainit na pag-irog
walang pulang rosas
dito malapit sa akin
ang kaulayaw lang
at ang pouch ng magasin na kayakap
sa mahamog na gabi
habang tinatanglawan ako ng kandilang may sindi
sa aking pagsusulat nitong liham na hinahabi
walang matamis na tsokolate
akong maipapadala
at kahit dito sa liham
di mo maaasahang masilip
salitang matatamis ay nakaukit
marahil sapat nang maiparating
kahit gaano kahirap
na sa araw na ito
at mula noong madama kong
tinatangi ka
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento