si ay maaaring iyong kasintahan
o kaya mahal mong anak
o pamangkin o apo
maaaring iyong ama o ina
o pinakamamahal na asawa
o pangalawang asawa
o
maaaring lola mo o lola
kuya mo o ate
isang kaibigan o kakilala o kaklase
si noong isang araw biglang nawala
hanggang ngayon
hindi alam kung saan naroon
matapos ang ilang taon
walang makapagsabi walang makatunton
walang makapagkwento na kamakailan
kahit katawan niyang lumulutang sa estero
nakita
walang makapagsabikahit katawang walang buhay at nakahandusay
na natagpuan sa kalye
ang pag-iingat ay paglaban
ang paghahanap ay paglaban
ang paghahanap ay pagpapanagot sa may sala
ng mga dumaraming pagkawala
hanapin natin si
+ang larawan ay halaw sa pabalat ng akda ni Gloria Whelan
*isinulat ito para sa pandaigdigang araw ng mga nawawala (desaparecidos) [Agosto 30]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento