habang hinahatid ka ng mga panalangin
at mga matang hangad ay katarungan
nagdadalamhati ang mga dahon
sa bawat puno at halaman
na ating nadaanan
walang lamig na ibinibigay ang hangin
sapagkat siya'y nakahimpil
nagbibigay pugay sa iyo Kristel
panahon na ng tag-init
ngunit makulimlim ang langit
at bumuhos ang laksang luha
animo mo binabasbasan
ang bawat mong daraanan
hindi namin isinama ang pangako
bagkus panghahawakan namin ito
ang patuloy na paglaban para sa katarungan
sapagkat batid namin
kung hindi naming gagawin
ayon kay Kiko sa kanyang winika
madaragdagan ang mga
nilamon ng sistema
sa mga susunod na araw
raragasa hindi na mga luha
kundi ang bawat
paghakbang na dapat
upang katarungan ay makuha
at maihatid sa tulad mo
na pinaslang
nitong patuloy
sa pagkabulok
na sistema
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento