akala natin
tunay na kilala
at nauunawaan
na natin ang bawat galaw
at hibik at ingay na kanyang hatid
akala natin
kabisado na ang bawat kanto
at panulukan
sa kanyang nanunudyong
kahabaan
lumalaban
sa bawat araw
akala natin
laging abala
at bawal magpahinga
yaong kalsada
maging ang mga tsuper
at nagtitindang dito
nakaasa
may katotohanan na hatid
itong lansangan
kung saan paroo't parito
kung saan madalas
nilalabag nalalabag
ang lahat ng panuto
kahit ang pag-ibig
minsan
dito din tinapos
ngunit
higit
naganap din
ang mga binuong damdamin
narito din ang pagmamahal
nagpapahinga din
sa panulukan
ng
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento