tumilaok na ang tandang
wari mo alarm clock na nananawagang
pumatak na ang hudyat upang
magmulat magbangon at maligo
hilamusan ang pagkatao
magpalit nang bihisang kamiseta
malapit nang sumungaw ang umaga
malapit nang humiyaw ang bell
marami-rami na rin namang naghahabulan
ang mga guro bago ang bihisan
may mga bagong usbong sa mga halaman
may mga bagong sanga sa mga puno
may mga bagong mukha sa silid
suot ang unipormeng pinaglumaan ng kapatid
subalit marami pang nananatili
siksikan sa mga silid na mumunti
pisarang bagong pinta't hinabi
bentilador na bungi na ang elesi
yayat na mga katawan, alikabok sa yapak at binti
sa lumang back pack na gamit
pinaglumaang kwaderno ang bitbit
isang bolpen, upod na pambura, at maliit na lapis
habang naglalakad na bituka'y galit
nagdarasal na may mga aklat na ma-awit
sa unang klase marami pa rin ang absent
iyong iba sa pagawaan na present
at yaong mga dahong natuyot
humimlay na sa sahig
habang sa pasukan si manong guard
napapakamot sa ulo habang nakangiti
ang matandang punong narra nakatindig
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento