Sabado, Hunyo 29, 2013

[piping walang kamay] kalayaan

Walang komento:
hindi lansangan

hindi ito basta iginuguhit sa kamiseta
at ibebenta ng mga kapitalista

o itinatato sa katawan
na mga letra o larawan

hindi basta simbolong kinakatawan ng watawat
hindi basta

ang...


higit ito sa pagbubuwis ng buhay

pag-aalay ito ng dugo pawis luha
at maging ng lupa at pangarap

paglaban ito upang mabuhay.

hindi lang ito ikaw at ako
higit ito sa pamilyang meron tayo

higit ito sa bansa

higit sa pagboto o pagpili ng pinuno

higit sa karapatang makapagpahayag ng pananaw

higit ito

sapagkat tungkol din ito sa tungkulin

kapag may naghihirap pa din
tandaan mo

kailangan pa rin natin itong ipaglaban
hindi sapat na hanapin
o hintayin

iyong tinatanong, sinasabi, pinapangarap, ipinagyayabang, at ibinabandila

dahil sa kasalukuyan
binaboy na nitong nasa isang porsyento ang dalisay na kahulugan

ng...

kung hindi mo pa nage-gets
magpakamatay ka na

iyan

kalayaan

mula sa pagsasamantala


tignan natin kapag patay na lahat ng ninety nine percent

saan pupulutin ang mayayaman sa present?



Image by FlamingText.com

Miyerkules, Hunyo 19, 2013

[piping walang kamay] hlunig yoaps

Walang komento:

sa pagtalikod ko
at paghakbang palayo

hindi mo makikita
ang pagbalong ng luha sa mga mata
at higit ang pagragasa
nila sa aking pisngi

ang lungkot na iginuhit
nitong labi na hihinto sa pag-awit

hindi ko ipapakita ang bigat
subalit sa paglayo
bubuhatin ko ang sakit
upang simulang buuhin
ang lahat

mga nagkapiraso kong pangarap


Image by FlamingText.com

[piping walang kamay] lnsanagn

Walang komento:
kailan kaya muling magkikita
ang mga yapak mo
at ang mga hakbang ko

kailan kaya muling magtatanong
hindi ng ngalan mo
kundi ng daan patungo sayo

dian sa puso mo

Image by FlamingText.com

Lunes, Hunyo 10, 2013

[Piping Walang Kamay] panalangin sa klase

Walang komento:
magnilay-nilay tayo ngayong unang araw ng klase
tinubos na ni Kristel Tejada ang ating mga pake

hindi lamang dapat pag-aaral ng mabuti
marami mang papasok marami pa din ang hindi

pagtapos ng bawat panalangin
kung saan pasasalamat ay lalamanin

huwag nating kalimutan ang mga martir
na dahil sa edukasyon buhay nag-disappear

makibaka ka para sa karapatang makapag-aral
isa itong mabuti at marangal na asal

Image by FlamingText.com


*pake - utang

Lunes, Hunyo 3, 2013

[piping walang kamay] pasukan

Walang komento:

tumilaok na ang tandang
wari mo alarm clock na nananawagang
pumatak na ang hudyat upang
magmulat magbangon at maligo
hilamusan ang pagkatao
magpalit nang bihisang kamiseta
malapit nang sumungaw ang umaga

malapit nang humiyaw ang bell
marami-rami na rin namang naghahabulan
ang mga guro bago ang bihisan

may mga bagong usbong sa mga halaman
may mga bagong sanga sa mga puno
may mga bagong mukha sa silid
suot ang unipormeng pinaglumaan ng kapatid

subalit marami pang nananatili
siksikan sa mga silid na mumunti
pisarang bagong pinta't hinabi
bentilador na bungi na ang elesi
yayat na mga katawan, alikabok sa yapak at binti

sa lumang back pack na gamit
pinaglumaang kwaderno ang bitbit
isang bolpen, upod na pambura, at maliit na lapis
habang naglalakad na bituka'y galit
nagdarasal na may mga aklat na ma-awit

sa unang klase marami pa rin ang absent
iyong iba sa pagawaan na present

at yaong mga dahong natuyot
humimlay na sa sahig

habang sa pasukan si manong guard
napapakamot sa ulo habang nakangiti

ang matandang punong narra nakatindig


Image by FlamingText.com