Ipinapakita ang mga post na may etiketa na soberanya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na soberanya. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Marso 5, 2013

[piping walang kamay] ang kaso

Walang komento:


sa sino mang kumakalaban
magsipaghanda

kayo'y masasaktan
at dadakpin ng walang-awa

huwag na kayong magkakawag
ni magbitiw ng mga salita

dudugo lamang ang labi ninyo't
mamamaga ang katawa't mukha

habang sa dulo ng lahat
asunto na ang inyong bagsak

huwag tutulad sa mga magsasakang ito
sinampulan namin ay tatlo
may kinakaharap na silang kaso

tulad nang ginawa namin
sa mga kumumpiska sa aming inangkin

mga bigas na sana'y gagamitin
sa kampanya ng mga dilawin

may pinaslang na kaming isa sa mga lider
at susunod ay ang pagkakaso na rin

anong karapatan para sa lupain?
hindi din iyan palalagpasin
mga nag-standoff sa Sabah

kakasuhan rin

-PNoy


Image by FlamingText.com

Sabado, Enero 12, 2013

[piping walang kamay] drone

Walang komento:
hindi maaaring magsinungaling
ang mga titik na makikita
sa drone* na namataang
nasa isa sa mga karagatan ng bansa
palutang-lutang

hindi maaaring maghabi
ng sinulid sa tubig

ano kayang isasagot ng mga nasa malakanyang
at ng mga opisyal ng Navy sa bansa
at ng mga kanong may dahilan
bakit naligaw sa karagatang ating saklaw
ang isang sasakyang panghimpapawid
na pinapagana ng remote control lang ang gamit?

sila tiyak magagawang maghabi ng sinulid
kahit saang lupalop ng daigdig.

Image by FlamingText.com


*Isang sasakyang panghimpapawid na hindi na kailangan ng piloto sapagkat pinapagana ng remote control. Ito ay ginagamit ng mga hukbong sandatahan ng malalakas at mayayamang bansa bilang armas pandigma o pansiyasat upang makapangalap ng mga impormasyon sa kanilang target na bansa o lugar.

Kamakailan ay natagpuan ng ilang mangingisda sa baybaying dagat ng Masbate ang isang drone na palutang lutang.

Ang larawan ay mula sa MailOnline