Sabado, Enero 12, 2013

[piping walang kamay] drone

hindi maaaring magsinungaling
ang mga titik na makikita
sa drone* na namataang
nasa isa sa mga karagatan ng bansa
palutang-lutang

hindi maaaring maghabi
ng sinulid sa tubig

ano kayang isasagot ng mga nasa malakanyang
at ng mga opisyal ng Navy sa bansa
at ng mga kanong may dahilan
bakit naligaw sa karagatang ating saklaw
ang isang sasakyang panghimpapawid
na pinapagana ng remote control lang ang gamit?

sila tiyak magagawang maghabi ng sinulid
kahit saang lupalop ng daigdig.

Image by FlamingText.com


*Isang sasakyang panghimpapawid na hindi na kailangan ng piloto sapagkat pinapagana ng remote control. Ito ay ginagamit ng mga hukbong sandatahan ng malalakas at mayayamang bansa bilang armas pandigma o pansiyasat upang makapangalap ng mga impormasyon sa kanilang target na bansa o lugar.

Kamakailan ay natagpuan ng ilang mangingisda sa baybaying dagat ng Masbate ang isang drone na palutang lutang.

Ang larawan ay mula sa MailOnline

Walang komento: