Linggo, Enero 13, 2013

[maria baleriz liwanag] kung maaari lamang sumagot ang drone


natitiyak kong ito na lang ang tinanong
noong matagpuan ito sa isa sa mga
karagatan ng bansang pinagpala
subalit halos nag-uumapaw na sa mga maralita

ano ang kanyang ginagawa sa bansa?
bakit siya nagpapalutang-lutang
sa katubigan ng Masbate
libong milya ang layo
sa pinakamalapit na base militar ng mga kano?

hindi na mag-aaksaya ng panahon
na tanungin pa ang mga opisyal ng Malakanyang
at mga opisyal ng navy sa bansa
kahit si PNoy hindi na natin mariringgan
ng mga sagot ng kanyang pagkatuta

kung maaari lamang sumagot ang drone

Image by FlamingText.com

**Isang sasakyang panghimpapawid ang drone na hindi na kailangan ng piloto sapagkat pinapagana ng remote control. Ito ay ginagamit ng mga hukbong sandatahan ng malalakas at mayayamang bansa bilang armas pandigma o pansiyasat upang makapangalap ng mga impormasyon sa kanilang target na bansa o lugar.

Walang komento: