madalas naliligaw ang disgrasya sa tuwid na daan
suki sa ating lupang sinilangan kamakailan
ang binansagang korap na bayan nitong si Jackie Chan
noong nakaraang taon dito sa bansa
may 'naligaw' na bapor ng kano na may toxic waste na karga
kamakailan 'naligaw' ang isang drone ng kano malapit sa isa sa ating mga isla
tapos isang bapor ng US ang 'naligaw' at puminsala sa mga korales ng Tubabataha
mahirap ang naliligaw
nakamamatay
nakakasira
nakakapinsala
hindi ba't ito ang ikinamatay ni Stephanie Ella?
tinamaan ng naligaw na bala
ngunit kapag pamahalaan ng kano
ang etiketang dala ng mga naligaw na aparato
ayos lang iyan sa gobyernong ito ni abno
kapag pagmamay-ari ng mga bansang hindi alyado
at hindi kasundo ng mga kano kulang na lang maghuramentado
ang mga tuta ng kano na nanunungkulan sa gobyerno
paano 'ka n'yo?
balikan natin noong magpapakawala ng missile ang Korea
ang nilikhang reaksyon ng gobyerno ay pagkataranta
mabilis pa sa alas kwatro naglabas ng alarma
samantalang itong ginagawa ng mga puting buwaya
pinsalang malubha na, atas lang sa atin kumalma?
naliligaw na ang mga loko sa palasyo
sa tuwid na daan
na sila mismo ang nagmamaneho
disgrasya ang tinutungo
at nandadamay na ang mga damuho!
kaiingat tayo
ingat tayo
[tula] 2013_09_01
*Ibasura ang visitong forces agreement!
Hindi kawalang aksyon ang dapat maging tugon sa pinsalang patuloy na nililikha ng gobyerno mga kano at ng hukbong sandatahan nito sa bansa at sa mamamayan. kailangan kalampagin at tuligin natin ng protesta ang Pamahalaan ni PNoy. Hindi simpleng bagay ang nangyari sa Tubbataha reefs. Hindi biro ang mapadpad ang mga bapor dito na may lulang mga toxic waste. Hindi dapat tayo nananahimik sa mga pagkakataong nilalapastangan ang ating soberanya nitong Ganid at pahirap na Gobyerno ng amerika.
Imperyalismo Ibagsak!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento