Linggo, Marso 24, 2013

[piping walang kamay] nasa lahat ng dako ang ebidensiya

Walang komento:

"We will force you to kill yourself!" ---> US-RP government

nasa lahat ng dako ang ebidensiya
kung sino ang pumapatay sa mamamayan niya

masdan mo sa paligid
ito ang ilang sinasambit:

"pagtaas ng presyo papayagin namin
tulad ng matrikulang sinisingil
pati sa pamasahe at presyo ng bilihin
kahit ang singil sa kuryente at tubig
papayagang taasan na din
kahit ang dagdag pataw sa buwis
lalo ang pagtaas sa presyo ng langis

habang ang sahod mananatiling mababa
at patuloy na kakamkamin ang mga lupa
para sa mga panginoong hangad kumita
at sa mga hayok sa yamang banyaga

lilikhain namin ang mga batas
na magbabawal sa sino mang mag-aaklas
babawasan namin ang pondo
ng mga social service
idadagdag namin ang budget
sa ahensya ng mga militar at pulis
upang sa inyo'y mas maraming pumigil
kapag naggiit kayo't nagpumilit
na magkasa maglunsad ng protesta
ang mga tulad ninyong api at maralita

wala kayong tatakbuhan kahit saan
amin ang lahat pati ang hukuman
alipin ka namin huwag ka nang lumaban

wala kang magagawa
mag-isa ka lang at dukha..."

nasa lahat ng dako ang ebidensiya
kung sino ang pumapatay
sa mga tulad ni Kristel Tejada

itinuturo ang mga salarin sa bawat trahedya
sa mga buhay na nawala
dahil sa mismong bulok na sistema
na pinananatili ng mga nagsasamantala

wala tayong aasahang militar at pulis
walang hukumang sa kanila'y maglilitis
walang pulitikong dapat puntahan

nasa atin ang lahat ng dahilan
upang kamtin ang katarungan

at ang tagumpay ay nasa ating paglaban


Image by FlamingText.com

Martes, Marso 19, 2013

[piping walang kamay] ihahatid namin ang katarungan

Walang komento:

habang hinahatid ka ng mga panalangin
at mga matang hangad ay katarungan
nagdadalamhati ang mga dahon
sa bawat puno at halaman
na ating nadaanan

walang lamig na ibinibigay ang hangin
sapagkat siya'y nakahimpil
nagbibigay pugay sa iyo Kristel

panahon na ng tag-init
ngunit makulimlim ang langit
at bumuhos ang laksang luha
animo mo binabasbasan
ang bawat mong daraanan

hindi namin isinama ang pangako
bagkus panghahawakan namin ito
ang patuloy na paglaban para sa katarungan
sapagkat batid namin
kung hindi naming gagawin
ayon kay Kiko sa kanyang winika
madaragdagan ang mga
nilamon ng sistema

sa mga susunod na araw
raragasa hindi na mga luha
kundi ang bawat
paghakbang na dapat
upang katarungan ay makuha
at maihatid sa tulad mo
na pinaslang
nitong patuloy
sa pagkabulok
na sistema


Image by FlamingText.com