May kandiling lungkot ang gabi, humahaplos ang amihan, simoy na tila kasamang umaalo sa panahon ng kawalan. Marahan ngunit makapangyarihan ang harana ng mga kuliglig, tumatagos sa katahimikan at sumasabay sa tibok at kislot ng mga nilalang na sa malayo'y tanaw sa pagpipilit alpasan ang kahinaa't kakulangan isa't-isa at sa halip ay magsanib at maging Iisa. Nagpapahinga sa maghapong karera ang araw at pinapaubaya ang tungkulin ng liwanag sa malamlam na mukha ng buwan. Sa lahat ng mga damdaming nag-uunahang umalpas sa kahon ng dibdib upang humalo sa damong sumasalo sa mga lihim ng kalawakan, pangunahin dito ang pagsuko. Sa panahong ito, kung kailan nakahimpil ang inog ng mundong hapong-hapo sa pagtakbo, sa kanyang sarili, siya'y magiging totoo:
Oo, minahal nga kita.
*Para sa lahat ng mga kinupkop at patuloy na kinukupkop ng Sunken
Oo, minahal nga kita.
*Para sa lahat ng mga kinupkop at patuloy na kinukupkop ng Sunken
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento