Martes, Agosto 10, 2010

[piping walang kamay] makupad

Walang komento:















isang taon na ang nagdaan simula ng pumanaw
si dating pangulong cory
bandang ala singko ng madaling araw

agosto na pala
ganito talaga kabagal ang hustisya

ilang buwan na ang dumiga
siyam na buwan na yata silang nakawala
pero hanggang ngayon di pa
nakukulong ang may sala
sa masaker sa maguindanao
hanggang ngayon walang hustisyang matanaw
ang mga pamilya ng mga biktima

ang apatnapu't tatlong manggagawang pangkalusugan
anim na buwan na sa piitan
nakapanganak na't lahat si judilyn
hindi pa din paglaya ang naaangkin
mga manggagawang walang kasalanan
kung hindi ang maglingkod sa mamamayan
libreng serbisyo ang inilalapit
subalit sa malamig na piitan sila sumapit

makupad talaga ang hustisya
makupad
kasing kupad ng mga nagpapatupad nito.
kasing kupad ng mga nasa gobyerno.

sa mayaman may baluting tangan
hindi basta basta mapaparusahan
sa mahirap kay bilis sa piitan
inaakusahan pa lamang sa kasalanan
nasa loob na ng kulungan

at dito ko tuloy madalas maisip ang mga katagang:

"aanhin pa ang damo
kung patay na ang kabayo?"

Image by FlamingText.com

Sabado, Agosto 7, 2010

[salin] panulaan*

Walang komento:



At ito ay sa edad na iyon ... dumating ang panulaan sa paghahanap ng akin.
Hindi ko batid,
Hindi ko batid kung saan ito galing, mula sa taglamig o sa ilog.
Hindi ko batid paano o kalian,
Hindi, hindi sila mga tinig,
sila ay hindi mga salita, ni katahimikan,
datapuwat mula sa isang daan kung saan ako ipinatawag,
Mula sa mga sanga ng karimlan
Biglangbigla mula sa mga iba,
Mula sa mararahas na apoy o malumbay na pagbabalik,
Naroon akong walang mukha
At ako’y kanyang hinipo.
Hindi ko alam ang sasabihin,
Ang aking bibig ay walang daan para sa mga pangalan
Ang akingmga mata ay nabulagan,
At may kung anong nagsimula sa aking kaluluwa,
Lagnat o nalimot na mga pakpak,
At lumikha ako ng sariling daan,
Inunawa ko ang apoy na iyon
At aking isinulat ang nahihilong linya
Hilo, walang laman, puro walang kabuluhan
Puro karunungan
Ng isang nilalang na ang alam ay wala,
At bigla nakita ko ang pagbukas ng langit
At mga bukas na planeta, mga taniman na pumipintig,
butas-butas na anino, tadtad ng mga palaso,
mga bulaklak at apoy,
ang gabing liku-liko, ang sansinukob.
At ako, katiting na nilalang,
Lango sa matinding kahungkagang kumikinang,
Pagkakahawig, misteryoso ang imahe,
Naramdaman ko na bahagi ng kailaliman ang sarili
Umiikot ako kasama ng mga bituin
Ang puso’y nabasag sa nakabukas na himpapawid.


*salin ng tulang 'poetry' ni pablo neruda.
+ang larawan ay mula sa museflash

Image by FlamingText.com

[pablo neruda] poetry

Walang komento:

Poetry

Pablo neruda

And it was at that age...Poetry arrived in search of me.
I don΄t know,
I don΄t know where it came from, from winter or a river.
I don΄t know how or when,
no, they were not voices,
they were not words, nor silence,
but from a street I was summoned,
from the branches of night,
abruptly from the others,
among violent fires or returning alone,
there I was without a face
and it touched me.

I did not know what to say,
my mouth had no way with names
my eyes were blind,
and something started in my soul,
fever or forgotten wings,
and I made my own way,
deciphering that fire
and I wrote the first faint line,
faint, without substance, pure nonsense,
pure wisdom
of someone who knows nothing,
and suddenly I saw the heavens unfastened
and open planets, palpitating plantations,
shadow perforated, riddled with arrows,
fire and flowers,
the winding night, the universe.

And I, infinitesimal being,
drunk with the great starry void,
likeness, image of mystery,
I felt myself a pure part of the abyss.
I wheeled with the stars;
my heart broke loose on the open sky.


Image by FlamingText.com

Biyernes, Agosto 6, 2010

[maria baleriz liwanag] sa pagpanaw ng makata

Walang komento:

















sa alab ng digma
hindi naiwasan
nahagip na animo punglo
ng isang karamdaman

unti unti ay ginupo
ng sakit at mga sandaling
di na namalayan
hagibis ang paglipas

nahimlay kapagdaka
sa banig ng karamdaman
at nadinig ay agunyas
sa buong kalawakan

at tila isang kathang isip
itinulot nitong nagdadalamhating langit
sa saliw ng agunyas
nakipagsayaw ang mga hinagpis

nadinig ang hudyat ng pagkawala
nitong tinatanging makata ng digma
na pinagsilbi ang pluma
ang tinta't dugo sa paglaya

may kamatayan ang bawat makata ng bayan.
subalit kagaya ng isang phoenix,
sisilang ito muli't muli
sa alab ng paglaya.

sa ibang panahon
sa iba't-ibang larangan
kung saan naroon
ang kawalang kalayaan...

Image by FlamingText.com

*ang larawan ay mula sa ophelia

Huwebes, Agosto 5, 2010

[salin] isang akda ni karl marx

Walang komento:
mula sa aklat ng mga awit kay jenny*
I
mga salita — mga kabulaanan, mga humpak na anino, walang hihigit pa,
hinihitik ang buhay mula sa lahat ng panig!
sa iyo, nanaw at pagal, dapat ko bang ibuhos
ang mga diwa na nasa akin sumagana?
kahiman nauna nang siniyasat nitong mga maiinggiting Panginoon ng daigdig
ang alab nitong sangkatauhan ng malalim na pagtitig;
at magpakailanman na dapat ang mga pobreng taga-daigdig
makipagtalik sa kinang ng kanyang sinapupunan ng may himig.
dahil, kapag itong libog ay lumundag, nangangatal, mapangahas,
sa kaibuturan ng matamis na kislap ng kaluluwa
bakasakali nanaisin nito ang yakap ng iyong mundo,
gustuhin nitong alisin ka sa iyong luklukan, naising akayin ka pababa
naisin na higitin ang pagpailanlang ng sayaw nitong hanging palaypalay.
hinog ang mundo sa ibabaw mo ay magsisimulang yumabong.


*isang pagsasalin ng isang berso ng tula mula sa kalipunan ng mga tulang akda ni Karl Marx para kay Jenny Von Westphalen.
+ang larawan ay mula sa jupiterimage

Image by FlamingText.com



Miyerkules, Agosto 4, 2010

[salin] your feet ni Pablo Neruda

2 komento:


Kapag hindi ako makatingin sa iyong mukha,
tinitignan ko ang iyong mga paa.
Ang iyong mga paa ng pakurbang buto,
ang iyong mga paang maliliit at matigas.
Alam kong inaalalayan ka nila,
at ang iyong timbang na kay tamis
ay umaalsa sa kanila.
Ang iyong baywang, ang iyong mga suso,
ang matingkad na lila
ng iyong mga utong,
at ang mga butas ng iyong mga matang
kakalipad lamang kanina lang,
ang malapad mong prutas na bibig,
ang mapula mong buhok,
ang munting kong tore.
Ngunit mahal ko ang iyong mga paa
sa dahilang lumakad sila
sa balat ng lupa, at sa ihip
ng hangin, at sa mga katawang-tubig,
hanggang ako’y matagpuan nila.


*salin ng tulang 'your feet' ni Pablo Neruda

++ang larawan ay mula sa atheme

Image by FlamingText.com