At ito ay sa edad na iyon ... dumating ang panulaan sa paghahanap ng akin.
Hindi ko batid,
Hindi ko batid kung saan ito galing, mula sa taglamig o sa ilog.
Hindi ko batid paano o kalian,
Hindi, hindi sila mga tinig,
sila ay hindi mga salita, ni katahimikan,
datapuwat mula sa isang daan kung saan ako ipinatawag,
Mula sa mga sanga ng karimlan
Biglangbigla mula sa mga iba,
Mula sa mararahas na apoy o malumbay na pagbabalik,
Naroon akong walang mukha
At ako’y kanyang hinipo.
Hindi ko alam ang sasabihin,
Ang aking bibig ay walang daan para sa mga pangalan
Ang akingmga mata ay nabulagan,
At may kung anong nagsimula sa aking kaluluwa,
Lagnat o nalimot na mga pakpak,
At lumikha ako ng sariling daan,
Inunawa ko ang apoy na iyon
At aking isinulat ang nahihilong linya
Hilo, walang laman, puro walang kabuluhan
Puro karunungan
Ng isang nilalang na ang alam ay wala,
At bigla nakita ko ang pagbukas ng langit
At mga bukas na planeta, mga taniman na pumipintig,
butas-butas na anino, tadtad ng mga palaso,
mga bulaklak at apoy,
ang gabing liku-liko, ang sansinukob.
At ako, katiting na nilalang,
Lango sa matinding kahungkagang kumikinang,
Pagkakahawig, misteryoso ang imahe,
Naramdaman ko na bahagi ng kailaliman ang sarili
Umiikot ako kasama ng mga bituin
Ang puso’y nabasag sa nakabukas na himpapawid.
*salin ng tulang 'poetry' ni pablo neruda.
+ang larawan ay mula sa museflash
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento