Huwebes, Agosto 5, 2010

[salin] isang akda ni karl marx

mula sa aklat ng mga awit kay jenny*
I
mga salita — mga kabulaanan, mga humpak na anino, walang hihigit pa,
hinihitik ang buhay mula sa lahat ng panig!
sa iyo, nanaw at pagal, dapat ko bang ibuhos
ang mga diwa na nasa akin sumagana?
kahiman nauna nang siniyasat nitong mga maiinggiting Panginoon ng daigdig
ang alab nitong sangkatauhan ng malalim na pagtitig;
at magpakailanman na dapat ang mga pobreng taga-daigdig
makipagtalik sa kinang ng kanyang sinapupunan ng may himig.
dahil, kapag itong libog ay lumundag, nangangatal, mapangahas,
sa kaibuturan ng matamis na kislap ng kaluluwa
bakasakali nanaisin nito ang yakap ng iyong mundo,
gustuhin nitong alisin ka sa iyong luklukan, naising akayin ka pababa
naisin na higitin ang pagpailanlang ng sayaw nitong hanging palaypalay.
hinog ang mundo sa ibabaw mo ay magsisimulang yumabong.


*isang pagsasalin ng isang berso ng tula mula sa kalipunan ng mga tulang akda ni Karl Marx para kay Jenny Von Westphalen.
+ang larawan ay mula sa jupiterimage

Image by FlamingText.com



Walang komento: