Ikaw.
Baket ka nagagalet..
Sa akin...
Sa amin...
Sa mga kabataang sa lansangan nakasadlak...
Sa bulto ng masang may plakard na tangan...
Sa mga nagpipiket at nagrarali sa lansangan...
Sa bulto ng taong nakabilad sa araw...
habang halos labas litid silang sumisigaw...?
hindi kami nang-aabala
maling pag-aakala lang ang nasa isip mo palibhasa
imulat ang isipan mo't pakalawakan
kami ang nag-ipong mga sipag at kilos...
ito ang isa naming sandata
dulot ito ng umigpaw na pambubusabos na aming binabata
bunga ito ng pasahod na tila limos
kahit animo'y hayop kami king ituring halos
at ang edukasyong sa ipinagkait sa dungo't api
na saan ang gobyerno upang isalba kami?
Ang bukirin mananatiling nakatitiwangwang.
Mga makina ng pabrika hindi iinit man lang.
Mga pantalan at paliparan walang lilikhaing ingay...
kahit paggalaw maaaring hindi na magsabay...
kahit pa ang apat na sulok ng mga silid aralan
magiging animo'y tahimik na himlayan...
sapagkat..!
ipararamdam namin ang pag-aaklas...
ang AKLAS na walang patid...
kahit pa malagot ang aming mga litid.
ikakalat namin ang aming poot.
isasabog ang bigwas na walang takot.
ibabantayog naming mga ginahis,
ang baluting aming ibinihis.
ang aklasang ito ang sisibol.
magpapasya.
At siyang magbibigay hatol..!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento