latigo ka kung maikumpara
sa bawat pilantik ng dila
sa bawat titik
at mga salita
animo latay ang iyong
ibinabalot
sa bawat makarinig
sa aming isip
at ulirat
salamat sa pangaral
sa sakit
sa mahapding katotohanang
iyong sinambit
sapagkat ito ang gumising
sa natutulog na isip
ang iyong pagmumulat
ang siyang kumalampag
sa pabayang diwa ng aking
pagkatao
pagkakalalang
ngayon alam ko na kung bakit
paglaban ang dapat
at hindi pag-iwas
sa katotohanang ang rebolusyon
pangmatagalan ang tanaw
pilit ko mang iwasan
ito ay hanging bubuhay sa
ugat at mga kasu-kasuan
ng lipunang batbat ng sakit
at karamdaman
salamat sa mga aral
hindi lang sa mga nabasa ko sa
aklat ng kasaysayan
kundi sa aking mga nasaksihan at naranasan
na kasama ang masa
na lalo pa ngang naging malinaw
dahil sa iyo kasama
kaya mas higit kong naunawaan
magtatagumpay ang pakikibaka ng mamamayan
Lunes, Pebrero 25, 2008
pagod
iiyak mo na lang
sa isipan ang
iyong kalungkutan
at hayaan mong rumagasa
ang sakit at hinanakit
pasasaan ba't mawawala din lahat
matutunaw na parang nyebe
mawawala na parang tunog at
musika sa pandinig
magsasawa din ang lahat
huhupa
kukupas
magbabago
maglalahong tila bula
animo anino
sa dilim ay wala ka
nang mababanaag
at ang hapdi ganoon din
maaabot ang tamang oras
sa sukdulan
may tinatawag na
pagod
at ibig sabihin may hangganan
magbabago ang lahat
maniwala ka
maniwala ka...
sa isipan ang
iyong kalungkutan
at hayaan mong rumagasa
ang sakit at hinanakit
pasasaan ba't mawawala din lahat
matutunaw na parang nyebe
mawawala na parang tunog at
musika sa pandinig
magsasawa din ang lahat
huhupa
kukupas
magbabago
maglalahong tila bula
animo anino
sa dilim ay wala ka
nang mababanaag
at ang hapdi ganoon din
maaabot ang tamang oras
sa sukdulan
may tinatawag na
pagod
at ibig sabihin may hangganan
magbabago ang lahat
maniwala ka
maniwala ka...
pipol pawer.
ipikit ko man yaring mga mata
hiyaw pa din nila ang aking nadarama
isara ko man ang aking pandinig
paghihirap pa din nila ang aking nababanaag
naninindig ang aking balahibo
sa bawat pagkakataong panaghoy nila'y aking nakikita
subalit may magagawa ba ang pagsasawalang bahala?
narinig mo naman
naramdaman
at nakita ang mga batayan
ng pambubusabos ng nandoon sa malakanyang
pero baket nga ba nakatanga ka pa riyan?
hindi pagod sa pipol pawer ang sambayanan
hindi sila napapagal
kaya lang minsan natanong na din
"baket hindi ninyo mapatalsik ang punyetang nasa malakanyan?"
siguro marahil ang sagot
nasa mismong konteksto na din ng katanungan
na marahil...
marahil lang naman ay natanong mo na din
sa mga aktibista o yaong mga militanteng lumalaban
at nananawagan ng tunay na pagbabago
sa nabubulok na sistemang laganap sa ngayon
dito sa ating lipunan
isa lang naman...
kasi wala ka pa kaibigan
hindi ka pa kasama at ang iba pang tulad mo
ay nagtatanong at nagtataka:
"...baket di pa 'namin' mapalayas ang mga punyeta?"
marahil kapag nasabi mo na ang salitang akma
at nakiisa ka sa pagdagsa ng lakas
lakas ng mamamayan doon sa lansangan
na bahagi ka din naman
para patalsikin ang mga papet ng imperyalismo
na nandoon at nangangayupapa sa malakanyang
mga buwayang nagpapakasasa sa yaman ng bayan
tiyak na ang kaganapan
wala ng araw na sisikat para sa mga korap
doon sa palasyo
lakas natin at hindi lang namin
ang magtatagumpay
at magkakamit ng pagbabagong panlipunan
na pangmatagalan
ngayon ang panahon at hindi bukas o sa isang araw
tama na ang pambubusabos sa taong bayan
magbalikawas na kasama
ng mga magsasaka
ng mga manggagawa
ng mga kabataan
ng mga kababaihan
ng sambayanang lumalaban
naninindigan

ngiti.
kay pait ng bawat sandali
na makita kang nakangiti
at sa gunita ay di na kailanman
sa katotohanan magiging ikaw
at ako sa hinaharap
at maging sa kasalukuyan
o anong ligaya marahil
kung akin lamang maangkin
yaong matamis mong ngiting
sa twina'y gumuguhit
dyan sa mapupulang labi
subalit kagaya ng ang lupa
sa mahabang panahon
hindi magawi sa tunay na may karapatan
doon sa ang mga kamay
at mga paa'y siyang nakalubog
at nagpayaman sa kanlungan ng kanyang nuno
hindi ko nga marahil maaangkin ang mga ngiti
dyan sa iyong mga labi
subalit bakit ko nga ba dapat isuko
gayong batid ko magaganap
may posibilidad
walang imposible sa mundo ginagalawan
kapara ng ang lupa ay mapupunta din sa tunay
at syang dapat magmay-ari
ng karapatan at magpunyagi
iyang mga ngiti sa iyo
pasasaan ba't
ako din at ako
ang magiging dahilan
bakit isang araw ay guguhit sa maamo mong kagandahan

Sabado, Pebrero 23, 2008
sa kabilang buhay
paano ko nga ba sisimulan?
ngayon ang gabi sadyang malamig na naman
dito sa puso ko'y tila may kulang
di ko batid kung ikaw ay nasaan
wala na ang dating sigla ng mga halaman
sa hardin
maging ang mga puno malungkot na din
ang mga paro-parung dati'y nagliliparang kay saya
ngayon ay tila kay panglaw maging ang mga kulay nila
nasaan na nga ba o aking sinta?
nasaan na ang dating tamis nang sumpaan nating dalawa?
nasaan na ang mga halik na bumabati sa akin ng magandang umaga?
nasaan na ang yakap mo sa malamig na gabi
na nagbibigay katiyakang di ako kailanman mag-iisa?
nasaan ka man sana'y marinig mo
itong mga titik na inaawit ng aking puso
nasaan ka man sana'y madama mo
itong pag-ibig kong di kailanman mapaparam
nasaan ka man sana'y makita mo
kung paanong ako'y nahihirapan simula ng ika'y malayo
nasaan ka man makakaasa ka
magpapatuloy ang aking pagmamahal
...kahit sa kabilang buhay

Linggo, Pebrero 17, 2008
mandirigma
ikaw ay isang obra na hinubog ng panahon
hinagod ng tumitinding hirap ng ngayon
kay husay na ginuhit ng pagsasamantala
ang angkin mong kariktan ay dahil sa iyong pag-alma
sa pinsel na tila di na gagana
maingat na inilapat ang kulay mong walang sing ganda
halaw sa imahe ng mahal nating masa
matikas sa pagtindig ang tulad mong mandirigma
at sa bawat musikang inaawit ng iyong mga tula
upang isalaysay ang ilang daang taon nating pakikibaka
paano ko ba maiiwasang puso'y di humanga?

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)