kay pait ng bawat sandali
na makita kang nakangiti
at sa gunita ay di na kailanman
sa katotohanan magiging ikaw
at ako sa hinaharap
at maging sa kasalukuyan
o anong ligaya marahil
kung akin lamang maangkin
yaong matamis mong ngiting
sa twina'y gumuguhit
dyan sa mapupulang labi
subalit kagaya ng ang lupa
sa mahabang panahon
hindi magawi sa tunay na may karapatan
doon sa ang mga kamay
at mga paa'y siyang nakalubog
at nagpayaman sa kanlungan ng kanyang nuno
hindi ko nga marahil maaangkin ang mga ngiti
dyan sa iyong mga labi
subalit bakit ko nga ba dapat isuko
gayong batid ko magaganap
may posibilidad
walang imposible sa mundo ginagalawan
kapara ng ang lupa ay mapupunta din sa tunay
at syang dapat magmay-ari
ng karapatan at magpunyagi
iyang mga ngiti sa iyo
pasasaan ba't
ako din at ako
ang magiging dahilan
bakit isang araw ay guguhit sa maamo mong kagandahan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento