Lunes, Pebrero 25, 2008

pipol pawer.

ipikit ko man yaring mga mata
hiyaw pa din nila ang aking nadarama
isara ko man ang aking pandinig
paghihirap pa din nila ang aking nababanaag
naninindig ang aking balahibo
sa bawat pagkakataong panaghoy nila'y aking nakikita
subalit may magagawa ba ang pagsasawalang bahala?

narinig mo naman
naramdaman
at nakita ang mga batayan
ng pambubusabos ng nandoon sa malakanyang
pero baket nga ba nakatanga ka pa riyan?

hindi pagod sa pipol pawer ang sambayanan
hindi sila napapagal
kaya lang minsan natanong na din
"baket hindi ninyo mapatalsik ang punyetang nasa malakanyan?"
siguro marahil ang sagot
nasa mismong konteksto na din ng katanungan
na marahil...
marahil lang naman ay natanong mo na din
sa mga aktibista o yaong mga militanteng lumalaban
at nananawagan ng tunay na pagbabago
sa nabubulok na sistemang laganap sa ngayon
dito sa ating lipunan

isa lang naman...
kasi wala ka pa kaibigan
hindi ka pa kasama at ang iba pang tulad mo
ay nagtatanong at nagtataka:
"...baket di pa 'namin' mapalayas ang mga punyeta?"
marahil kapag nasabi mo na ang salitang akma
at nakiisa ka sa pagdagsa ng lakas
lakas ng mamamayan doon sa lansangan
na bahagi ka din naman
para patalsikin ang mga papet ng imperyalismo
na nandoon at nangangayupapa sa malakanyang
mga buwayang nagpapakasasa sa yaman ng bayan
tiyak na ang kaganapan
wala ng araw na sisikat para sa mga korap
doon sa palasyo
lakas natin at hindi lang namin
ang magtatagumpay
at magkakamit ng pagbabagong panlipunan
na pangmatagalan

ngayon ang panahon at hindi bukas o sa isang araw
tama na ang pambubusabos sa taong bayan
magbalikawas na kasama
ng mga magsasaka
ng mga manggagawa
ng mga kabataan
ng mga kababaihan
ng sambayanang lumalaban
naninindigan

Walang komento: