Martes, Nobyembre 1, 2011

[severino hermoso] wala(n)(g)awa



walang araw walang bilog na buwan
magpapakapagod upang pagtrabahuan
ang isang bagay na ibig mong matamasa
ganoong kalakaran mamimihasa

ang gamit na iyong nasa
sila ang nagsikap lumikha
ang iyong alahas at relos
damit, pantalon at sapatos
cellphone, laptop, at telebisyon
manggagawa ang bumuo ng mga iyon
ang mga kotse, taxi, jeep at bus
mga manggagawa ang tumapos

kapag iyong binalikan ang nakaraan
ikukuwento sayo ng kasaysayan
kung nanonood ka ng palabas
                    ganoon mo makikita at walang patalastas

bihira ang magtatanong kung kamusta
ang kalagayan nilang mga manggagawa
iyong lumikha ng bagay na pinapangarap
iPhone, iPad, laptop, at maging sasakyan
kung malaman mo kayang sila ay napagsasamantalahan
hanggang sa kasalukuyan
maaatim mo pa rin bang bilhin ang gamit
na ibig pagmay-arian?

naitanong mo ba sa service crew
doon sa paborito mong tanyag na kainan
kung magkano ang sahod nila sa isang araw?
at kung nakasasapat ba ito upang mabuhay
siya at ang pamilyang kailangang itaguyod

nasubukan mo na bang kamustahin sila
na gumawa ng suot mong kamiseta
silang bumuo ng pantalon at sapatos mong magara
na tila nagyayabang ang tatak na nakaimprenta
kamusta kaya sa pinapasukan nilang pabrika?
maayos kaya ang trato sa kanila?
at natitiyak bang hindi nasasamantala
ang karapatang dapat sa kanila

may nakakalungkot na katotohanan
na hindi natin lahat namamalayan
bihira sa atin ang umaalam
sa kanilang sinasapit na kalagayan


*ang larawan ay mula sa acmefineart
Image by FlamingText.com