Huwebes, Hulyo 18, 2013

[KARL MARX] ang aklat ng pag-ibig (unang bahagi)


kunin ninyong lahat, kunin ninyong lahat ng awiting ito mula sa akin
iyang pag-ibig na nasa mga paanan mo'y may kababaang loob na nakahimlay
kung saan, sa magiliw na tugtuging likha ng lira,
balot ng makinang na liwayway malayang lumalapit ang kaluluwa
o! kung ang alingawngaw ng awit ay makapangyarihan,
upang humalo sa pananabik sa piling ng matatamis na paghimlay

upang papintigin ang pulso ng marubdob
ng ang hambog mong puso'y mabunying kumaway,
at mula doon masaksihan ko mula sa malayo
kung paano ka buhatin ng tagumpay

saka ako lalaban, higit na mapangahas kaysa noon
saka nararapat na ang aking musika ay pumailanlang ng mas matayog;
palit anyo, higit na malaya na dapat tumawig sa aking awit
at sa tamis ng aba tatangis ang aking lira.

-isang pagsasalin ng akda ni karl marx
mula sa the Book of Love (Part I)
Concluding Sonnets to Jenny

Image by FlamingText.com

**Itong akda ay makikita din sa facebook

Walang komento: