hin-di
hindi lamang naman sumusulat
ang isang ma-ka-ta
isinasabuhay din nila ang bawat akda
naranasan at nararanasan din nila
ang bawat titik at kataga
at
ibinabahagi para sa paglaya
mabigat ang maging isang ma-ka-ta
tulad ng marami
kumakalam din ang sikmura
inaapi at tulad din nating mga dukha
nasasaktan
nabibigo
nadadapa
ngunit hindi nagpapakalunod
sa pait na sumugod
doon sa kanyang kamakailan
bagkus ay lumalaban
tunay na mapanghamon
ang maging isang ma-ka-ta
sa panahon
kung saan
nilulugmok tayo ng sistema
na ang nakikinabang ay iilan
ngunit tinatawag ka ng pagkakataon
sumabay sa daluyong
na nagbubudyong
na lumikha ka din
ng hindi-lamang-isang-akdang-lumalaban
at
aapi-gaganti-didikdik-titiris-pupunit sa iilan
na nagmamaliit-yumuyukayok-nang-aagaw-pumapatay-sumisira
sa bawat pangarap ng bagong sibol na musmos
na ang daratnang bansa
ay maaari
maaaring pag-aari na ng banyaga
at iilang mga uod-linta-garapata-at-bampira.
huwag puro tungkol sa vagina-penis-boobs ang kinakabisa
huwag puro sa dota-cs-at-iba-pang-computer-games maging abala
huwag puro trabaho-na-mataas-ang-sahod-at-pagyaman ang iniisip
hindi nito mapapababa ang presyo ng langis-kuryente-pamasahe-at-buwis
maging ang napakamahal-na-matrikula-at-singil-sa-tubig
lalo ang patuloy-na-pagkakait-at-paglabag-sa-karapatan-nating-maliliit
hindi magagawang maalis
ni di maiibsan kahit anong kayod-kabayo-o-panalangin
makibaka at sumulat ka
kasama ng paparaming iba pa
upang labanan ang ganitong pagtitikis
malaki ang pag-asa
na ang inaasam na pagkain sa bawat hapag
kinabukasang makatarungan para sa sambayanan
makakamit
at hindi na lamang sa pangarap-at-mga-fairytale
magaganap
ang "they-lived-happily-ever-after."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento