tila mga kabuting nakakabit
ang mga billboard at signage
nitong mga clinic na private
doon sa ilang mga gusaling
matatagpuan sa paligid
ng isang pampublikong ospital
inilabas ba ang mga aparato na gagamitin
sa paggamot sa mga may sakit
mula doon sa loob ng PGH
at isinilong nila sa mahal sumingil
na mga private clinic?
saan napupunta ang binabayarang buwis?
sino-sino bang nangungupit sa bilyon-bilyong budget?
P2.268 Trilyon ang budget para sa taong 2014
Ilan kaya ang budget para sa health service?
at ilan na naman ang makukupit?
paano kaya lulunasan
itong mga opisyal na may karamdaman?
*bahagi ito sa katipunan ng mga tulang: 'ilang katanungan'
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento