Sabado, Mayo 9, 2009

[tula] sa inang nagkasakit

wala pa din ang nawalay na anak
lumisang walang pasabi ngunit nag-iwan ng sulat
dahil mabigat sadya ang pagpapaalam ng magkaharap
lalo't sa tutunguhin, sa pamilya, di pa talaga tanggap

idinulot sa iyo'y sama ng loob
at pagkakasakit, kaya sa ospital isinugod
kung san doon na din naiabot
ang liham na kay tagal na palang pinaanod

malubha ang naging lagay
nag-inom ka dahil na din sa pagkakawalay
ng isa sa iyong mga inakay
ang palalo ngunit mahal mong panganay

tinahak na landas ay sadyang masukal
tigib ng panganib at mga luhang dumaratal
mabangis na hayop ang doon ay nananahan
at may madalas na gumagalang mga berdugong militar



pinilas na bahagi ng tulang "sa inang nagkasakit" mula kay maria baleriz

Image by FlamingText.com

Walang komento: