Huwebes, Agosto 21, 2008

ako ay ikaw din

ako ay ikaw din
nilupig ng kahirapan
na dulot ng pagsasamantala

ako ay ikaw din
itinulak palabas ng paaralan
ipinagtabuyan palayo
sa edukasyong karapatan

hawak ay kwintas ng sampagita
doon sa mataong simbahan

ako ay ikaw din
binusabos nitong bulok na sistema.

ikaw at ako ay iisa:
BIKTIMA!


-mula sa "ako ay ikaw din" niImage by FlamingText.com

Walang komento: