Biyernes, Oktubre 9, 2009

may pakiusap lang ako

huwag ka munang bumugso
kahit gapatak wag kang tutulo

ipunin mo muna ang naglalarong berso
at huwag hayaang masayang ang mga liriko

ang bawat mong talinghaga
ibigkis muna sa paghiga

saka na pabangunin sa banig ng pag-alma
kung handa ng tunay sa pagliyag at pakikibaka

masakit ang paghinto maniwala ka
subalit higit na masakit kapag nadapa ka sa trahedya

sanhi ng kasalatan sa pandama
maniwala ka maniwala

kaya maglagay ka na ng babala:
hindi na muna ako iibig pa

hanggang magsara ang mga titik
dito sa pandama

hihimpil muna ang mga tugma sa bawat linya
magiging pipi muna ang mga tula

saka na muna
saka na muna

ang pag-ibig ang pag-ibig na nanunukso sa tuwina
kaya pagmulat ko hiling ko

kulayan mo akong tila isang payaso
iyong may bughaw at kulay puso

ipangako mo

2 komento:

marnjo_avid621 ayon kay ...

Galing mo tlga KUYA!wla ka bang workshops dyan..heheh...nice one!

piping walang kamay ayon kay ...

salamat Marnjo_avid621. :) workshops? hehe ibig kong magkaroon ng gayun. hehe gusto ko kasing maghikayat pa ng mga maraming indibidwal upang magsulat. :D