Martes, Nobyembre 1, 2011

[piping walang kamay] buti na lang ang puso ay puso



ipinagpapasalamat ko na din
na yaring puso natin

walang dila
walang mata

walang ilong
walang utak para sa dunong

walang bibig
walang pandinig
walang kamay

dahil kung ang puso
nagkaroon ng mata
bibig, kamay, dila
mayroon na siyang tenga
utak at ilong at paa

lubhang nakakabahala.

maaari na siyang maging mapili
baka mabatukan niya
ang katangahan sa pagpili
gamit ang kamay
at gamit ang paa
lalayasan ang kinalalagyan niya

maaaari ding magsalita siya
masakit o kaya mga pag alma
kung hindi niya maibigan ang pag ibig
na pinili mong maging pagsinta

baka manlait din ang puso
kung maamoy niyang mabaho
o hindi niya nais ang sa ilong
niya'y dadako.

buti na lang talaga.
ang puso ay puso.

walang dila
walang mata

walang ilong
walang utak para sa dunong

walang bibig
walang pandinig
walang kamay

at alam niya lang ay umibig.

makadama

ng pag-ibig.



*salamat sa larawan design-freebies.com.
makikita din itong akda sa facebook
Image by FlamingText.com