Lunes, Marso 11, 2013

[piping walang kamay] bahaghari


minsan
hinahanap natin ang bahaghari
pagkatapos umulan

minsan
umaasa tayong dadampi
sa langit ang kanyang makulay na ngiti

lingid sa ating kaalaman
ang paglikha sa kanya'y maaari

tiyakin lamang na ang araw
nakasilip
at matamang nakatanaw
mula sa himpapawid
tapos magsaboy ka ng tubig
doon sa hangin
doon sa kawalan
at iyong pagmasdan
ang marahang pagbaba ng mga butil
sa sandaling ang sinag ng araw ay mahagip
ang bahagharing ninanais

masisilayan

kailangan mo lamang talagang
lagpasan ang bawat pagsubok
bago makita ang inaalok
na kapanatagan
at kariktan
ng inaasam
na

bahaghari


Image by FlamingText.com

Walang komento: