kay liit ng sandali
na sa ati'y ipinahiram
ng pagkakataong ating pinagsamahan
malilipos ng alaalang magmula ngayon
hahabulin at hahabulin
ang magpakailanman
sa panahong ang gutom
ating tinitiis
sa pamamagitan ng
mga kwentong naghihinagpis
kahit pa nga ang ating mukha'y
seryoso't mataimtim
habang lumalayas ang mga salita
at tinig
batid nating ang damdamin
lumuluha pa din
at hangad ay paglaya
mula sa pang-aapi
at pambubusabos
sa ating lahi...
sa panahong ang gutom
ating tinitiis
sa pamamagitan ng mga awitan
na itinotono ng paglaban
na nananahan doon sa kaibuturan
ng bawat nating pusong
humuhiyaw ng tila walang hanggan
dulot ng pagsasamantalang
sa ati'y hinahampas
ikaw ang nagtipa
ng musikang nilalayon
ng ating pakikibakang
idinuyan ng daang taon
sa panahong ang gutom
ating tinitiis
natitiyk naming ikaw
ay aming mami-miss
sapagkat ikaw ang isa
sa mga larawan
bakit ang pakikibaka
ng sambayanan
nagkakahubog
at nagkalaman...
pero sa paghinto ng iyong mga ngiti
pero sa paghinto ng iyong mga kwento
pero sa paghinto ng iyong mga pagtipa ng gitara
pero sa paghinto ng iyong pag-awit
at pag-oorganisa
ipagpapatuloy namin kasama
lahat ng pangarap mong
kapara ng mga obra maestra
nina amorsolo at neruda
na sa puso namin at ng masa
ay iyong ibinahagi at ipinasa
ipagpapatuloy namin ang pakikibaka
para sa pangarap mong paglaya
at lipunang mapayapa
at maglilingkod sa masa
-mga pinilas na bahagi sa tulang "tama nga bang sabihin namin ay paalam?"
ni
**tulang parangal na alay para kay kasamang carlo.
salamat sa lahat. makakaasa kang patuloy naming ipagpapatuloy ang pakikibaka ng sambayanan. ang mga tulad mong bayani ng mamamayan ay hindi namin malilimutan.
Biyernes, Agosto 29, 2008
Linggo, Agosto 24, 2008
ang awit ng paglimot
makulimlim ang langit
at may daan-daang ambon
siyang winiwisik
malamig ang marahas na hanging umiihip
napupuno na ang lupa ng tubig
nalunod na siya't di na kayang lunukin
ang mga luhang ngayo'y dumarami
patuloy pang lumalatag
at may daan-daang ambon
siyang winiwisik
malamig ang marahas na hanging umiihip
napupuno na ang lupa ng tubig
nalunod na siya't di na kayang lunukin
ang mga luhang ngayo'y dumarami
patuloy pang lumalatag
at ang kidlat pilit hinahati ang langit
maya't maya'y tila mga latigong gumuguhit
kasunod ang mga pagdagundong ng kulog
at ang mga bata tila umiindak sa tunog
ng mga patak ng mga ambong
marahan ng nagiging mga luha
kasabay ng kulog ng sapantaha
doon sa aking silid
aking natatanaw mula sa bintana
aking natatanaw mula sa bintana
ng agam-gam at alintana
marahil sa pagtila ng pagluha
ng mga ulap at mismong mga luha
marahil sa pagtila ng mga pagtangis
ng mga sakit at ng mismong pusong
humihibik at umaawit ng lumbay
at hapdi
doon ko maaarok
ang lalim ng himig
na paggising ko bukas
paglimot ang aking hahanapin
sa kabilang panig ng mundo
labas sa batid ng
katinuan ng humihinga
at tumatakbo
umuulan
bumubulusok
dinig mo ang paglagapak
sa mga bubong
sa kalsada
sa mga kanal
kumukulog
kumikidlat
at lahat tila natatakot
umiihip ng marahas
ang hanging may yelong naaagnas
bumuwal ang iilang punong mabuway
nabali ang mga sangang
marupok at pinagsawaan na ng anay
umapaw ang tubig sa mga imburnal
at nagsibulwakan ang mga basura
mula sa mga kanal
may mga kapote't botang naglalakad
sa di kalayuan
mga payong na makukulay
akala mo may parada
ng mga barkong laruan
habang ang mga halaman at lupa
dinilig ng luha
ganoon din ang mga kamisetang
may butas at guray-guray
sa bawat sandaling umuulan
ito ang aking hinahabi
mga walang hanggang
kahilingan ng pag-inam
walang hanggan kahilingan
ng pagbabago at kabutihan
walang hanggang kahilingan
walang hanggan
-"umuulan" ni
dinig mo ang paglagapak
sa mga bubong
sa kalsada
sa mga kanal
kumukulog
kumikidlat
at lahat tila natatakot
umiihip ng marahas
ang hanging may yelong naaagnas
bumuwal ang iilang punong mabuway
nabali ang mga sangang
marupok at pinagsawaan na ng anay
umapaw ang tubig sa mga imburnal
at nagsibulwakan ang mga basura
mula sa mga kanal
may mga kapote't botang naglalakad
sa di kalayuan
mga payong na makukulay
akala mo may parada
ng mga barkong laruan
habang ang mga halaman at lupa
dinilig ng luha
ganoon din ang mga kamisetang
may butas at guray-guray
sa bawat sandaling umuulan
ito ang aking hinahabi
mga walang hanggang
kahilingan ng pag-inam
walang hanggan kahilingan
ng pagbabago at kabutihan
walang hanggang kahilingan
walang hanggan
-"umuulan" ni
Biyernes, Agosto 22, 2008
liham
kay saya ko
animo manlalaro
walang sing bilis kong tinakbo
ang aming bakurang hardin
parungo sa tarangkahan
upang malaman at mabasa
ang liham ni ama
dalawampung taon
humigit kumulang
dalawampung taon
lipos ng pangungulila
at pananabik:
...para sa karga ng isang ama
...para sa paghehele niya
sa mga gabing ako'y
papalahaw ng iyak
doon sa kuna ng pighati ng kamusmusan
...para sa mga mainit na yakap
at mapagkalingang hagod
nang isang ama
...para sa mga pangaral na kay tagal kong nais madinig
na sinasambit mismo mula
sa kanyang ma-otoridad na tinig
...para sa mga palong nagmumula sa kanyang sinturon
na ibig ko ding madama at maranasan
dalawampung taon
ganoon katagal kong inabangan
ang kanyang pagbabalik
mula doon sa lupain ng mga dayuhang
kanyang pinagtiisang pagyamanin
kapalit ng pangarap na maalwang buhay
para sa amin,
sa pamilyang tiniis niya
na malayo sa kanyang piling
upang maitaguyod ang pamilyang
sinikap niyang buuin
subalit dahan-dahan
lahat tila nangangtog
habang nababanaag ko ang balikat ni inang yumuyugyog
at habang papalapit ako'y
lalong nakabibingi ang kanyang hagulgol
'di ako magkandatuto kung paanong sasaklolo
sa ina kong namumula at lumuluha ng husto
at tila sumabog akong bigla
pagkarinig ko sa bukambibig ni ina,
"patay na iyong mahal na ama..!"
isang napakasamang balita...
nayanig akong bigla
at bagsak tuhod sa sahig
habang unti-unti ang bumabalong luha
nabasag na't marahang naglalaglagan
rumagasa sa pagal kong mukha
anong pait.
anong sakit.
ang ama ko'y nakakahon ng babalik.
walang buhay.
walang tinig.
walang yakap na mahigpit
mula sa bisig na pinagtibay ng hirap at pasakit.
pinagmalupitan siya ng kanyang amo.
ngunit kahit naghain na siya ng reklamo
doon sa embahada ng mga Pilipino
wala pa ding ginawa
ang kinatawan ng ating gobyerno
lubos na sakripisyo't pakikipagsapalaran
umasa si amang didinggin ang paghingi niya ng saklolo
pero para siyang kumausap sa bato.
at sinapit niya ay trahedya.
bangkay na siyang nagpoprotesta.
-"liham" ni
animo manlalaro
walang sing bilis kong tinakbo
ang aming bakurang hardin
parungo sa tarangkahan
upang malaman at mabasa
ang liham ni ama
dalawampung taon
humigit kumulang
dalawampung taon
lipos ng pangungulila
at pananabik:
...para sa karga ng isang ama
...para sa paghehele niya
sa mga gabing ako'y
papalahaw ng iyak
doon sa kuna ng pighati ng kamusmusan
...para sa mga mainit na yakap
at mapagkalingang hagod
nang isang ama
...para sa mga pangaral na kay tagal kong nais madinig
na sinasambit mismo mula
sa kanyang ma-otoridad na tinig
...para sa mga palong nagmumula sa kanyang sinturon
na ibig ko ding madama at maranasan
dalawampung taon
ganoon katagal kong inabangan
ang kanyang pagbabalik
mula doon sa lupain ng mga dayuhang
kanyang pinagtiisang pagyamanin
kapalit ng pangarap na maalwang buhay
para sa amin,
sa pamilyang tiniis niya
na malayo sa kanyang piling
upang maitaguyod ang pamilyang
sinikap niyang buuin
subalit dahan-dahan
lahat tila nangangtog
habang nababanaag ko ang balikat ni inang yumuyugyog
at habang papalapit ako'y
lalong nakabibingi ang kanyang hagulgol
'di ako magkandatuto kung paanong sasaklolo
sa ina kong namumula at lumuluha ng husto
at tila sumabog akong bigla
pagkarinig ko sa bukambibig ni ina,
"patay na iyong mahal na ama..!"
isang napakasamang balita...
nayanig akong bigla
at bagsak tuhod sa sahig
habang unti-unti ang bumabalong luha
nabasag na't marahang naglalaglagan
rumagasa sa pagal kong mukha
anong pait.
anong sakit.
ang ama ko'y nakakahon ng babalik.
walang buhay.
walang tinig.
walang yakap na mahigpit
mula sa bisig na pinagtibay ng hirap at pasakit.
pinagmalupitan siya ng kanyang amo.
ngunit kahit naghain na siya ng reklamo
doon sa embahada ng mga Pilipino
wala pa ding ginawa
ang kinatawan ng ating gobyerno
lubos na sakripisyo't pakikipagsapalaran
umasa si amang didinggin ang paghingi niya ng saklolo
pero para siyang kumausap sa bato.
at sinapit niya ay trahedya.
bangkay na siyang nagpoprotesta.
-"liham" ni
Huwebes, Agosto 21, 2008
huwag
huwag kang mahiya
na ipakita kung gaano
katamis yaong mga ngiti
kahit pa nga ang sikmura'y
nagdadalamhati
huwag kang magkubli
sa likod ng malasutlang buhok
ipakita mo't ng mabighani
sila sa mga matang may
luha ma'y tunay namang
napakagandang obra
huwag kang tumalikod
masilayan ng liwanang
ipakita mo ang kariktan
ng mukhang kahanay
ng mga bulaklak sa
hardin ng pakikipaglaban
huwag kang matakot
sa libo-libong punglo
kung makita mong magliparan
sa kawalan ng hustisya
dito sa bayang inaalipusta
ipakita mong ang bawat
halimuyak ng pulbura
ay tila daluyan ng lakas
upang higit pang isulong
ang pakikibaka
at kamtin ang paglayang
kay laon ng pinagkait
huwag kang mangamba
para mo nang awa
sapagkat ang ikaw at ako
ay hindi magkaiba sa esensya
pareho tayong hangad ay katwiran
sa lipunang itong marahang
tinataksan ng katinuan
-"huwag" ni
na ipakita kung gaano
katamis yaong mga ngiti
kahit pa nga ang sikmura'y
nagdadalamhati
huwag kang magkubli
sa likod ng malasutlang buhok
ipakita mo't ng mabighani
sila sa mga matang may
luha ma'y tunay namang
napakagandang obra
huwag kang tumalikod
masilayan ng liwanang
ipakita mo ang kariktan
ng mukhang kahanay
ng mga bulaklak sa
hardin ng pakikipaglaban
huwag kang matakot
sa libo-libong punglo
kung makita mong magliparan
sa kawalan ng hustisya
dito sa bayang inaalipusta
ipakita mong ang bawat
halimuyak ng pulbura
ay tila daluyan ng lakas
upang higit pang isulong
ang pakikibaka
at kamtin ang paglayang
kay laon ng pinagkait
huwag kang mangamba
para mo nang awa
sapagkat ang ikaw at ako
ay hindi magkaiba sa esensya
pareho tayong hangad ay katwiran
sa lipunang itong marahang
tinataksan ng katinuan
-"huwag" ni
babag
nagbabag ang dilim at liwanag
at walang katapusan
naglalaban
at dahil nanghihina na ang ilaw
dahan-dahang kinakain ng karimlan ang lahat
at bawat isa'y nagpapalit anyo
may mga naghihingalo
pagal ang isip
katawan at puso
pero natitiyak
sa muling pagbugso
maghihiganti ang liwanag
at pagliliyabin ang takipsilim
ihahasik ang samu't saring
kulay ng bahaghari
ng dilaw ng asul
ng luntian
at bughaw na damdamin
magpapaulit-ulit
hanggang di mo na magisnan
ang katapusan
sapagkat kasabay
ng pagtakbo ng orasan
papawian ka ng paghinga
at sa huling alaala
wala ka ng masasambit
kundi isang huling buntong hininga
-"babag" ni
at walang katapusan
naglalaban
at dahil nanghihina na ang ilaw
dahan-dahang kinakain ng karimlan ang lahat
at bawat isa'y nagpapalit anyo
may mga naghihingalo
pagal ang isip
katawan at puso
pero natitiyak
sa muling pagbugso
maghihiganti ang liwanag
at pagliliyabin ang takipsilim
ihahasik ang samu't saring
kulay ng bahaghari
ng dilaw ng asul
ng luntian
at bughaw na damdamin
magpapaulit-ulit
hanggang di mo na magisnan
ang katapusan
sapagkat kasabay
ng pagtakbo ng orasan
papawian ka ng paghinga
at sa huling alaala
wala ka ng masasambit
kundi isang huling buntong hininga
-"babag" ni
ako ay ikaw din
ako ay ikaw din
nilupig ng kahirapan
na dulot ng pagsasamantala
ako ay ikaw din
itinulak palabas ng paaralan
ipinagtabuyan palayo
sa edukasyong karapatan
hawak ay kwintas ng sampagita
doon sa mataong simbahan
ako ay ikaw din
binusabos nitong bulok na sistema.
ikaw at ako ay iisa:
BIKTIMA!
-mula sa "ako ay ikaw din" ni
nilupig ng kahirapan
na dulot ng pagsasamantala
ako ay ikaw din
itinulak palabas ng paaralan
ipinagtabuyan palayo
sa edukasyong karapatan
hawak ay kwintas ng sampagita
doon sa mataong simbahan
ako ay ikaw din
binusabos nitong bulok na sistema.
ikaw at ako ay iisa:
BIKTIMA!
-mula sa "ako ay ikaw din" ni
maganda ang gabi
pagsapit ng takipsilim
marahang sumisilay
ang marikit mong kulay
na kay gandang pagmasdan
sa karimlang pinintahan
ng sigla at buhay
nitong mga ilaw
na maharot at kumikinang
paano nga kaya kung walang tatanglaw?
doon sa gitna ng dilim
na lumamon sa kapaligiran?
makita mo pa kayang
maganda pa rin ang kabundukan?
at kahit ang dalampasigan
may kakaibang alindog
sa gabing nakikipisan
at malugod na hinahalikan
ng mapanghalinang ilaw
upang himukin kang huwag matakot sa gabi
bagkus yakapin siya
hanggang sa paghimbing
ng pagal na katawan
at sa pagsilip ng bukangliwayway
habang naghahanda sa pagbangon ang
damdamin at kamulatan
maganda.
at kagaya ng umaga
may angkin din talinghaga
at tugma ang kanyang mga letra
malalim din ang kanyang mga sapantaha
marubdob ang kanyang katahimikan
maharot ang kanyang ningning
at naghihikayat na siya ay iyong
tangkilikin
hanggang sa mismong karimlan
ay mahimbing na ng paggising...
-"maganda ang gabi" ni
marahang sumisilay
ang marikit mong kulay
na kay gandang pagmasdan
sa karimlang pinintahan
ng sigla at buhay
nitong mga ilaw
na maharot at kumikinang
paano nga kaya kung walang tatanglaw?
doon sa gitna ng dilim
na lumamon sa kapaligiran?
makita mo pa kayang
maganda pa rin ang kabundukan?
at kahit ang dalampasigan
may kakaibang alindog
sa gabing nakikipisan
at malugod na hinahalikan
ng mapanghalinang ilaw
upang himukin kang huwag matakot sa gabi
bagkus yakapin siya
hanggang sa paghimbing
ng pagal na katawan
at sa pagsilip ng bukangliwayway
habang naghahanda sa pagbangon ang
damdamin at kamulatan
maganda.
at kagaya ng umaga
may angkin din talinghaga
at tugma ang kanyang mga letra
malalim din ang kanyang mga sapantaha
marubdob ang kanyang katahimikan
maharot ang kanyang ningning
at naghihikayat na siya ay iyong
tangkilikin
hanggang sa mismong karimlan
ay mahimbing na ng paggising...
-"maganda ang gabi" ni
Lunes, Agosto 18, 2008
"oblibyon" (anong itatawag mo sa paglimot?)
"kay tagal ng paglimot
at masakit ang pag-alam
sa mga bagay na ibig
subalit 'di mapasayo kailanman
kaya nga siguro may ulap?
upang ipakitang kahit ang langit umiiyak.
alam mo ba kung bakit may ilog?
lumuluha kasi ng tahimik ang bundok
at ipinaaalala niya ang kawalang paglimot."
*pinilas na bahagi mula sa " 'oblibyon' (anong itatawag mo sapaglimot?) "
sa mga bagay na ibig
subalit 'di mapasayo kailanman
kaya nga siguro may ulap?
upang ipakitang kahit ang langit umiiyak.
alam mo ba kung bakit may ilog?
lumuluha kasi ng tahimik ang bundok
at ipinaaalala niya ang kawalang paglimot."
*pinilas na bahagi mula sa " 'oblibyon' (anong itatawag mo sapaglimot?) "
Sabado, Agosto 16, 2008
pagluha
masdan mo ang kagandahang
iginuguhit ng sanglaksang alon
ang kinurbang kariktan ng
mga bangkang de sagwan
mahusay na kinulayang himpapawid
nitong mga naggagalang ibon
masdan mo.
masdan mo.
ang gandang nabuo
mula sa panaghoy ng maghapong gutom
mula sa kalungkutang nililok ng kahirapan
sa labing tinakasan na ng maalab na pula ng paglaban
larawan ng ngiti at pagsasamantala
ngiting gumuguhit sa duguang kaluluwa
luhang sinasalamin ng sugatang pangarap
awitin mo.
awitin mo mahal na aplaya
at dinggin ang himig
na itinotono ng hangad mong paglaya
pakinggan mo ang pagtangis ng bawat munting alon
pakinggan mo ang panaghoy ng hanging amihan
pakinggan mo.
ang mga tawanan.
ang mga huntahan.
at kahit ang nalulumbay na pagpatak ng ulan.
bawat luha'y humihiyaw
at ang bawat paghibik
ay nananawagan ng paglaban.
hinahanap ng mga gutom
na sikmura ay katarungan
napakalapit ng baybay lawa
pero kahit nariyan na ang yaman
tila ba di mahagilap
dahil sa ganid na iilang
dito'y nagpapakasasa
-"pagluha",
+tulang binigkas sa isang gabi ng pangkulturang pagtatanghal na ginanap sa isang integrasyon sa may lungsod ng muntinlupa, malapit sa lawa ng laguna.
iginuguhit ng sanglaksang alon
ang kinurbang kariktan ng
mga bangkang de sagwan
mahusay na kinulayang himpapawid
nitong mga naggagalang ibon
masdan mo.
masdan mo.
ang gandang nabuo
mula sa panaghoy ng maghapong gutom
mula sa kalungkutang nililok ng kahirapan
sa labing tinakasan na ng maalab na pula ng paglaban
larawan ng ngiti at pagsasamantala
ngiting gumuguhit sa duguang kaluluwa
luhang sinasalamin ng sugatang pangarap
awitin mo.
awitin mo mahal na aplaya
at dinggin ang himig
na itinotono ng hangad mong paglaya
pakinggan mo ang pagtangis ng bawat munting alon
pakinggan mo ang panaghoy ng hanging amihan
pakinggan mo.
ang mga tawanan.
ang mga huntahan.
at kahit ang nalulumbay na pagpatak ng ulan.
bawat luha'y humihiyaw
at ang bawat paghibik
ay nananawagan ng paglaban.
hinahanap ng mga gutom
na sikmura ay katarungan
napakalapit ng baybay lawa
pero kahit nariyan na ang yaman
tila ba di mahagilap
dahil sa ganid na iilang
dito'y nagpapakasasa
-"pagluha",
+tulang binigkas sa isang gabi ng pangkulturang pagtatanghal na ginanap sa isang integrasyon sa may lungsod ng muntinlupa, malapit sa lawa ng laguna.
Biyernes, Agosto 15, 2008
Paalala
Nakahimpil ang oras
sa loob ng bote.
Gumagapang ang mga segundo
at nagpapahinga ang ang mga minuto,
pati tayo.
Ang serbesa'y isang kaibigang
lagi't laging daluyan
ng ating mga pantasya:
Sabayang nagpapalimot
at nagtutulak ng ating mga baong alaala.
Patuloy sa pag-inog ang mundo
at maraming nangyayaring mahalaga.
Ngunit sa maraming pagkakataon,
tulad ngayon:
Pumipili tayo't
iisipin nating di ito mahalaga
upang pagtakpan ang pait
ng katotohanang
wala tayong
(magagawa)
ginagawa.
* kay isagani, sa mga walang humpay na pag-uusap
Linggo, Agosto 3, 2008
kung makapagsasalita ang lawa
hindi man niya sambitin
pangarap niya ay paglaban
para katarungan ay makamit
mula sa pagsasamantalang
kanyang dinanas sa kamay
ng mga ganid na naghahari-harian
hindi man niya sambitin
pangarap niya ay hustisya
para sa mamamayang dapat
sana'y sa kanya makakatamasa
ng nais na kaayusan
at maalwang kabuhayan
hindi man niya sambitin
hangad niya ay paglaya
mula sa kadenang ibinalabal
ng mga ganid na mayayamang
sa mamamayan ay nambubusabos
hindi man niya isigaw
pangarap ng kanyang nananaghoy
na tinig ay kalayaan
at katarungan sapagkat
kung makapagsasalita
ang bawat niyang alon
ang kanyang tubig
ang mga isda
ang mga papanim sa kanyang paligid
ang mga dampang sa kanya'y nakatirik...
isisigaw niya doon
sa mga ganid na nagsasamantala,
"ang APLAYA...
ang LAWA...
...ay para sa mamamayan.
hindi ito para sa iilan
hindi ito para sa mga dayuhan
na hangad ay sariling pagyaman
ang LAWA ay para sa TAONG BAYAN!"
-"kung makapagsasalita ang LAWA", piping walang kamay
**kung makapagsasalita lamang ang lawa ng laguna. uusigin niya silang mga nasa pamahalaan. uusigin niya silang mga panginoong naghahari-harian at nagsasamantala sa mamamayan.
kung makapagsasalita lang ang LAWA NG LAGUNA...
nanganganib mawalan ng tirahan at kabuhayan ang ilang libong lokal na residente na naninirahan sa tabi ng LAWA ng LAGUNA... ito ay dahil sa banta ng demolisyon para sa planong gawing paliparan ang bahagi ng LAWA ng laguna... mula muntinlupa, laguna, rizal at iba pang kanognog na lungsod at bayan ang maaapektuhan ng palnong ito.
tutulan ang planong pagpapaalis sa mga naninirahan sa tabi ng lawa ng laguna.
ILIGTAS ANG LAWA NG LAGUNA!
PAPANAGUTIN ANG LLDA^ SA MALING PAMAMAHALA!
- Save Laguna Lake Movement, South Metro Manila
^Ang LLDA o Laguna Lake Development Authority ay sangay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng gobyerno.
++ang tula ay binigkas ng may akda sa gabi ng pangkulturang pagtatanghal para sa mga lokal na residente ng Pulong silangan at Bunami. Ginanap sa tabi ng lawa ng laguna sa APLAYA RIZAL sa Muntinlupa.
pangarap niya ay paglaban
para katarungan ay makamit
mula sa pagsasamantalang
kanyang dinanas sa kamay
ng mga ganid na naghahari-harian
hindi man niya sambitin
pangarap niya ay hustisya
para sa mamamayang dapat
sana'y sa kanya makakatamasa
ng nais na kaayusan
at maalwang kabuhayan
hindi man niya sambitin
hangad niya ay paglaya
mula sa kadenang ibinalabal
ng mga ganid na mayayamang
sa mamamayan ay nambubusabos
hindi man niya isigaw
pangarap ng kanyang nananaghoy
na tinig ay kalayaan
at katarungan sapagkat
kung makapagsasalita
ang bawat niyang alon
ang kanyang tubig
ang mga isda
ang mga papanim sa kanyang paligid
ang mga dampang sa kanya'y nakatirik...
isisigaw niya doon
sa mga ganid na nagsasamantala,
"ang APLAYA...
ang LAWA...
...ay para sa mamamayan.
hindi ito para sa iilan
hindi ito para sa mga dayuhan
na hangad ay sariling pagyaman
ang LAWA ay para sa TAONG BAYAN!"
-"kung makapagsasalita ang LAWA", piping walang kamay
**kung makapagsasalita lamang ang lawa ng laguna. uusigin niya silang mga nasa pamahalaan. uusigin niya silang mga panginoong naghahari-harian at nagsasamantala sa mamamayan.
kung makapagsasalita lang ang LAWA NG LAGUNA...
nanganganib mawalan ng tirahan at kabuhayan ang ilang libong lokal na residente na naninirahan sa tabi ng LAWA ng LAGUNA... ito ay dahil sa banta ng demolisyon para sa planong gawing paliparan ang bahagi ng LAWA ng laguna... mula muntinlupa, laguna, rizal at iba pang kanognog na lungsod at bayan ang maaapektuhan ng palnong ito.
tutulan ang planong pagpapaalis sa mga naninirahan sa tabi ng lawa ng laguna.
ILIGTAS ANG LAWA NG LAGUNA!
PAPANAGUTIN ANG LLDA^ SA MALING PAMAMAHALA!
- Save Laguna Lake Movement, South Metro Manila
^Ang LLDA o Laguna Lake Development Authority ay sangay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng gobyerno.
++ang tula ay binigkas ng may akda sa gabi ng pangkulturang pagtatanghal para sa mga lokal na residente ng Pulong silangan at Bunami. Ginanap sa tabi ng lawa ng laguna sa APLAYA RIZAL sa Muntinlupa.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)