Biyernes, Agosto 29, 2008

tama nga bang sabihin namin ay paalam?

kay liit ng sandali
na sa ati'y ipinahiram
ng pagkakataong ating pinagsamahan
malilipos ng alaalang magmula ngayon
hahabulin at hahabulin
ang magpakailanman


sa panahong ang gutom
ating tinitiis
sa pamamagitan ng
mga kwentong naghihinagpis
kahit pa nga ang ating mukha'y
seryoso't mataimtim
habang lumalayas ang mga salita
at tinig
batid nating ang damdamin
lumuluha pa din
at hangad ay paglaya
mula sa pang-aapi
at pambubusabos
sa ating lahi...

sa panahong ang gutom
ating tinitiis
sa pamamagitan ng mga awitan
na itinotono ng paglaban
na nananahan doon sa kaibuturan
ng bawat nating pusong
humuhiyaw ng tila walang hanggan
dulot ng pagsasamantalang
sa ati'y hinahampas
ikaw ang nagtipa
ng musikang nilalayon
ng ating pakikibakang
idinuyan ng daang taon

sa panahong ang gutom
ating tinitiis
natitiyk naming ikaw
ay aming mami-miss
sapagkat ikaw ang isa
sa mga larawan
bakit ang pakikibaka
ng sambayanan
nagkakahubog
at nagkalaman...

pero sa paghinto ng iyong mga ngiti
pero sa paghinto ng iyong mga kwento
pero sa paghinto ng iyong mga pagtipa ng gitara
pero sa paghinto ng iyong pag-awit
at pag-oorganisa

ipagpapatuloy namin kasama
lahat ng pangarap mong
kapara ng mga obra maestra
nina amorsolo at neruda
na sa puso namin at ng masa
ay iyong ibinahagi at ipinasa

ipagpapatuloy namin ang pakikibaka
para sa pangarap mong paglaya
at lipunang mapayapa
at maglilingkod sa masa


-mga pinilas na bahagi sa tulang "tama nga bang sabihin namin ay paalam?"
ni Image by FlamingText.com



**tulang parangal na alay para kay kasamang carlo.
salamat sa lahat. makakaasa kang patuloy naming ipagpapatuloy ang pakikibaka ng sambayanan. ang mga tulad mong bayani ng mamamayan ay hindi namin malilimutan.

Walang komento: