Huwebes, Agosto 21, 2008

huwag

huwag kang mahiya
na ipakita kung gaano
katamis yaong mga ngiti
kahit pa nga ang sikmura'y
nagdadalamhati

huwag kang magkubli
sa likod ng malasutlang buhok
ipakita mo't ng mabighani
sila sa mga matang may
luha ma'y tunay namang
napakagandang obra

huwag kang tumalikod
masilayan ng liwanang
ipakita mo ang kariktan
ng mukhang kahanay
ng mga bulaklak sa
hardin ng pakikipaglaban

huwag kang matakot
sa libo-libong punglo
kung makita mong magliparan
sa kawalan ng hustisya
dito sa bayang inaalipusta
ipakita mong ang bawat
halimuyak ng pulbura
ay tila daluyan ng lakas
upang higit pang isulong
ang pakikibaka
at kamtin ang paglayang
kay laon ng pinagkait

huwag kang mangamba
para mo nang awa
sapagkat ang ikaw at ako
ay hindi magkaiba sa esensya
pareho tayong hangad ay katwiran
sa lipunang itong marahang
tinataksan ng katinuan


-"huwag" ni Image by FlamingText.com

Walang komento: