Martes, Hunyo 16, 2009

[tula] isang gabi mula noong matagal nang magkawalay*

[tula] isang gabi mula noong matagal nang magkawalay*
-severino hermoso



di naman kailangan palalimin ang buntong hininga
at maging ang mga titig di kailangang tila barena
sapat na ang sa gabi at may buwan
dungawin mo siya ng mainam
tinitiyak ko nagkita na tayo
dahil habang ginagawa mo ito
nakatingin din ako
at sinasalamin niya ang pananabik mo
dahil ganoon din ako
nasasabik na makita ang tulad mo

*pinilas na bahagi.
+salamat sa larawan:
Donwrob

Walang komento: