Martes, Hunyo 16, 2009

[tula] kinain na ng dagat ang araw**



kanina
napadaan ako sa may tabing dagat
at kagaya ng nakagawian
gumawa ako ng sulat
inukit ko sa baon kong kwaderno
ang liham kong puno ng pagsusumamo

muli na naman akong kinadena ng sandali
at sa ganda mong angkin: nabato-balani
sa tuwina di kayang takasan
ang iyong larawan
na binuhusan ng talinghaga
ni fernando amorsolo
pilit lang akong nilalamon ng nakaraan

humingi ako ng pahintulot
na ikaw ay kunan ng letrato
upang maipagmalaki ko
ang tila di magmamaliw mong rebulto

-severino hermoso

**pinilas na bahagi.

+ang larawan ay kuha ni leon b. dista.
salamat.

Walang komento: