Martes, Hunyo 16, 2009

[tula] metapora


[tula] metapora
-maria baleriz

matalinghaga ang nagdaang gabi
at higit pang lumalim dahil sa oyayi
hinehele ang diwa kong tuliro
sa lisya ng mapaglarong mundo

paanong ako'y di matutukso
sa kapanatagang ipinapangako
itong isip na labis ang pagkahapo
hanap ay maidlip kahit sa huwad na paraiso

kung kaya kahit saglit na paghimpil
natitiyak kong papatusin
makawala lang sandali sa gulo at sakit
nitong iniinugan ng ating mga bigong panaginip

minsan masarap ang isipa'y ipikit
at hayaang anudin ng mapanghalinang awit


Image by FlamingText.com

Walang komento: