Biyernes, Enero 11, 2013

[maria baleriz liwanag] hati-hati


masdan natin
at bilangin na din
baka sakali
malaman natin ilan ang mga nagkukumahog
sa biyayang isinilid sa isang supot
na magtatawid sa sikmurang kumakalam
at tuyot na lalamunan
hanggang sa kasalukuyan

habang ang ilan sa Senado
nagpipista sa biyayang kanilang natamo
sa isa sa mga panginoong namumuno sa estado
at sa pamimigay ng regalo
balak pa atang daigin si Santa Claus na di naman santo

kukulangin ang ilang oras nang pagbibilang
at maaaring magkaulol-ulol ang dila nino man
habang binibigkas isa-isa ang bilang
ng kabuuhang halaga na kanilang
pinaghati-hatian...

Image by FlamingText.com

*ang mga kamay sa larawan (mula sa theAtlantic) ay kuha mula sa mga nag-aagawang biktima ng kalamidad noong nakaraang taon sa Compostela Valley. 



Walang komento: