Lunes, Enero 14, 2013

[piping walang kamay] pabalbal

and really

sa tingin ko
malaki ang maitutulong
nung napakalaking halaga
na ipinamudmod
sa piling mga senador ng bansa

kung ibinigay ito
sa mga nasalanta ng kalamidad
silang napurwisyo nina
habagat at pablo
iyong mga nawalan ng tahanan
noong magpapasko at magbabagong taon
dahil sa sunog, landslide, baha at demolisyon

maging doon sa mga biktima ng mga paputok
at nabundol ng ligaw na bala

and really

i think so
napakalaking tulong nito
upang makapagsimula sila
matapos ang malaking pinsala

Image by FlamingText.com

Walang komento: