Huwebes, Hulyo 25, 2013

[piping walang kamay] lolo

madilim na ang bahaging ito ng makati
ilang lakad at usad pa mararating ko na
ang maynila hinehele ako ng awit
na pinapatugtog ng isang istasyon sa radyo

marami akong iniisip
habang nakikinig sa saliw ng musika
ang totoo isa ka sa nasasabik na akong
mahawakan ang mga kamay
kargahin sa aking mga bisig
hindi alintana ang magdamag na pagpasada
patuloy man sa pagtaas ang presyo ng langis
at binabarat pa din ang singil
sa pasahe at sahod na tinitiis

may pasalubong akong carrot cake
para sayo
ngunit hindi mo pa maaaring kainin
namamaga ang iyong mga gilagid
dahil sa papatubong mga ngipin

ibibili na lang kita ulit
kapag mainam na ang pkiramdam mo
at hindi na namamaga ang iyong mga gilagid
magkakasya na lang akong kargahin ka
at alagaan

parating na si lolo
mahal kong apo

Image by FlamingText.com

Walang komento: