Huwebes, Hulyo 25, 2013

[piping walang kamay] malay

kung magkita tayo bukas habang aking marahang binabagtas
ang kalsadang nilalakarang madalas
at hindi ko mamalayang makasalubong ka sapagkat
abala ang mga mata sa pagpino
ng mga alaala sa bawat puno
at halaman sa tabi ng daan

maaari bang tawagin mo ako
o tapikin sa balikat, katoto.

hindi ako isnabero
ang makita ka'y
hindi inaasahan ng aking pagkatao

Image by FlamingText.com

Walang komento: