Martes, Abril 29, 2008

bagwis

Walang komento:
sinikap kong maging tulad niya
malakas matatag sa hamon
kaya kinakitaan na ng determinasyon
ang inakay na ako noon
at ngayon kay lakas na ng bagwis
sa himpapawid ay tila balawis
nagpapalipat-lipatsa malalayong lupain
subalit ng ibig ko ng magbalik
sa lupang aking sinilangan
wala ng pugad akong madapuan
pagkat tulad ko
banyaga na ang may tangan
at ang lakas at tatag kong ganap
walang nagawa sa masaklap nasinapit
at ang tatag na animo walang makakatibag
ngayon unti-unting dinudurog
ng hagulgol at mga luhang
walang habas na pumapatak

-mula sa "bagwis" ni maria baleriz

tangis

Walang komento:
at kung pagluha man ang idulot
ng aking akda
wag mong isiping akin itong sinadya
batid mong di ko hinangad kailanman
ang ikaw ay lumuha mahal na kaibigan
subalit kung ang luha sadyang di maiiwasan
kahit akong nagpapahalaga sayo ng labis
di ko gagawing ang pagpatak nila ay pigilin
hayaan nating rumagasa ang mga luha kasama ang pait
nakahanda naman akong pahirin ang saklap at pait
at sa maalab na halik papawiin ko ang sakit


-mula sa "tangis" ni maria baleriz

katleya sa paso

Walang komento:
ang layo mo sa piling ng katleyang tinatangi
animoy paruparong nasa kabilang ibayo
kung kaya't ang pagbisita sa marikit na bulaklak
kay dalang pang maganap sa ulan pagpumatak
kailan nga ba muling makakapiling?
ang pag-ibig nitong puso
magaganap pa bang muling magtagpo
pakiusap kong nawa'y sabihin
at sa pangako'y maging tapat na sundin
'pagkat kung hindi'y luha
ang idudulot nito sa akin
mainam pang sarili ko'y palayain
sa kwartel ng pagmamahal na ikinahon mo sa akin


-mula sa "katleya sa paso" ni maria baleriz

umaga

Walang komento:
mayroon pa nga kayang gaganda
sa pagsikat ng umaga
doon sa bukirin
sa patag na kanlungan ng pakikibaka
ng mamamayan
mula sa mga huni ng ibong
kay sigla sa pag-awit
at sa mga magsasakang
patuloy na binubusabos ng mga ganid
may sasahol pa ba sa hirap na dinaranas
ng mga bisig na nagbungkal
at nag-aruga sa mga palay?
ngunit may ngiti pa ding
binubungad ang pangako ng bukangliwayway


-mula sa "umaga na" na ni piping walang akamay

nandito

Walang komento:
nandito nandito nandito
ang kamay na naisip ko
ilublob sa palayan-isdaan
upang sa saglit ay maging
tila barko o bapor
na sumusuyod sa karagatan
ng isdang panlalaman sa tyan
kasabay ng mga kaning likha
na mga dakilang magsasaka sa kanayunan

nandito nandito ang gabing pusikit
at makabasag pandinig
ang katahimikang bitbit
sa awit ng hanging may
may oyaying baun-baon
nahihimlay ang diwang pagod
dulot ng gawa maghapon


nandito nandito
ang malamig na hangin
niyayapos ako sa aking pag-iisa
pilit pinupunan ang kulang na larawan
ang bakanteng espasyo na katabi ka
sapagkat di naman talaga
ang buwan at mga bituin
ang handa kong ialay
kundi ako
at ang pangakong pag-ibig
sa iyo at sa sambayanan
na ating pinaglilingkuran



-mula sa "nandito" ni maria baleriz

Biyernes, Abril 25, 2008

estrelya

Walang komento:
kay ganda ng mga estrelya
sa payapang takipsilim
sa bawat pagkakataon
minamasdan ko sila
gumagaan ang aking pandama
higit siguro kung kasama kita
at sabay nating tinitingala
ang ganda nila
wala na nga marahil iinam pa
kung katabi ka at
kahawak kamay
habang ating pinalalalim
ang pangarap na kalayaan
para sa mamamayan

-mula sa tulang "estrelya" ni maria baleriz

Martes, Abril 22, 2008

[tula] halikan natin ang tagumpay

ang init ng sitwasyon
kay rami ng nawawala at bumibilang
ng walang habas
sandamakmak na ang humahandusay
sa lupa
at di na masukat ang dugong dumanak
mga katawang naging pataba
sa burak at putik ng pakikibaka
nasaan ka nga ba?
maisip mo sana kung gaano ka kahalaga
kung paanong ang iyong pagsama
maliban sa pagsuporta
ang isa sa magiging salik
na magpapatiyak ng tagumpay
ng hustisya

nanggigitata man ako
amoy pawis man at malansa
dulot ng dugong umaagos mula
sa sugatan kong ulunan
at pumutok na kilay
bunga ng nagdaang gasgasan
sa isang pagkilos
doon sa daang mendiola
huwag ka sanang matakot sa amin
hindi naman kami kriminal
huwag ka sanang lumayo sa amin
hindi naman kami magnanakaw
kagaya ng mga nandoon sa malakanyang
na patuloy na sumisipsip
sa yaman at lakas ng sambayanan
para patuloy na yumaman
huwag kang mandiri sa amin
hindi naman kami imoral
kapara ng mga nandoon sa palasyo
at sampu ng kanyang mga despotikong
bayarang berdugo
halika at lumapit sa amin
handa kaming kalingain ka ng aming
mapagpalayang prinsipyo
na mula din naman sa inyo
sa masang siyang lakas
sa sambayanang siyang kayamanan
di mauutas at malalagas
halika at lumapit sa amin
kailangan din namin ang iyong pagkalinga
ang pang-unawa at pakiki-isa
sa ating laban at mithiing
paglaya
halika at sumama
sabay sabay tayo
yakapin natin ang pakikibaka
halikan natin ang tagumpay

Lunes, Abril 21, 2008

pagod

Walang komento:
tagaktak ang pawis na marahang
bumabaybay pababa ng aking ulunan
at tinatahak ang aking mukhang
naglalangis at puno ng pulbos
nang lansangan

walang habas ang paghagupit ng
sinag ng araw habang nakabilad
ang lahat sa kainitan
ang mga nagtitinda ng maiinom
at kahit ang mga pulubing may
bitbit ng basahan
hindi alintana ang pagkahapong
dulot ng katanghalian
umaaso ang kalsada at ramdam mo
ang init na hatid niya
kahit ang singaw ng sasakyan
humalo pa
pati ang amoy anghit na katabi
habang nag-hihintay maging
kulay berde ang ilaw trapiko
para sa mga taong maglalakad
sa kabilang kalsada
may baon pang payong at
pangproteksyon sa mata

at si lola nag-istambay muna
sa bakanteng sahig na mauupuan niya
upang lumanghap ng mainit
na hangin at makapagpahinga
mahaba pa marahil ang lalakbayin
niya sa kasalukuyan
inalok ko siya ng bitbit kong
botelyang plastik na may tubig
at saka ko tinahak ang landas
papunta
doon sa kitaan ng aming pagkilos
para ipanawagan at ipaglaban
ang ating karapatan
sa sahod, trabaho, lupa, at
batayang serbisyong panlipunan

mainit sobra
at batid kong ramdam mo din
pero isa lang ang hindi ko inaalintana
ung pagod ng walang hanggang pakikibaka
para sa pagkamit ng ating mga
karapatan at ganap na paglaya
mula sa pagsasamantal
ikaw, ganoon din sana
huwag kang magsawa
ang pagod ay natural lang
sapagkat lahat tayo ay nakikibaka

ang bukas ay sa sambayanan

Walang komento:

walang patumanggang inagaw ang pag-aari
kaya kahit isang butil ng kanin di halos sumayad sa labi
sapagkat salat sa kakayanang bumili
ng mismong likhang siya ang nagbungkal at nag-ani
pero ng hubaran na ng saplot ang durodong butil
lumabas din ang katayuang sadyang inutil
sa gitna ng kasalukuyan animo'y pulubi
at ang mga bulati sa tiyan patuloy na naaapi

isang araw lang naman ang aking hinihiling
sana nga pagbigyan ako ng magaling
sapagkat kung ako ang papipiliin
mata ng mga salarin ay aking dudukutin
silang ang mga kamay ay basa ng dugo
ng mamamayang kanilang binalot sa siphayo
habang patuloy nilang sinisipsip ang yaman
ni inang bayan na ngayo'y yayat na sa kahirapan

huwag kang magtaka kung iyong marinig
at di mo masisisi na habang nakahilig
sa dila ng mga inamis mga notang binibigkis
paglaban ang hiling at katarungan ang nais
sa binusabos na pangarap ano pang maiisip
kung di ang magbalikwas at pagbayarin ang ganid
lakas at katwiran ng masa ang magiging sandig
magbabayad ang mga salarin
malalagot ang sa yaman ng bayan ay umangkin
at sa pag-alingawngaw ng mga punglo sa himpapawid
tanikala ng daang libong taong pang-aalipin
tiyak na nga makakalag at lalagutin
at magdasal man sa lahat ng demonyo't halimaw
ang mga salarin sa pagkadurog ng magandang bukas
hindi na nila kayo makakaya pang iligtas
kapag ibinaba na ng sambayan ang hatol na bigwas


-orly oboza

Sabado, Abril 12, 2008

para sa isang prinsesa...

Walang komento:
lumilipas ang oras na di ko na nga alintana
habang niyayakap ako ng hangin mula sa bintana
dibdib ko'y naninikip na tila may nakapana
mabuti na lang at tumitibok ang puso't agad sinangga

bakit ngayon lamang nakilala ang mutyang prinsesa
kailangan pang lumipas ang mahigit dalawang dekada
upang ang isang pagkakaibigan ay aking makita
gayunman nalulugod pa rin at nasumpungan ka

kapara noong unang magkita tila dahong makahiya
pagal na puso koy gumaat sa hirap sandaling lumaya
salamat sa pagkakataong tayo poy nagkasama
kay ikli man ng oras ibayong tuwa ang nadama

ngayon hinala ko lalawig pa ang pagkakaibigan
batid kong tatagal ito ng magpakailanman
kapara ng hangin, tubig, at araw sa isang halaman
yayabong ang pagkakaibigang pinagtagpo ng kapalaran

kaya prinsesa pagkalugod koy alang pagsidlan
salamat at tinanggap mo ako bilang kaibigan
pusoy tila sasabog, puputok sa kagalakan
samahan natiy asahan mong pakaiingatan


-orly oboza


*katha ng may akda sa katanghalian ng kanyang buhay

Biyernes, Abril 11, 2008

para sayo

1 komento:

maraming salamat sa napakarikit na ngiti
bawat pagkakataong gumuguhit sayong labi
maraming salamat sa maningning mong mga mata
pakiramdam ko ngayon bumaba ang mga estrelya
bawat hibla ng iyong magandang buhok
hindi pagsasawaang haplusin kahit hanggang pagtulog
tuwing kasama ka parang walang problema
nagdiriwang ang mga ibon sa bawat sanga
may kung anong saya akong nadarama
salamat na lamang at nariyan ka
ang buong paligid tila puno ng bahaghari
hiling ko tuloy sana tuwa'y laging maghari

sa panahong nagrerebolusyon

Walang komento:
alam ko wala namang mahalaga
sa iluluwal kong mga salita
at kahit mabasa mo magtiwala ka kaya?
pero kahit ano pa hayaan mong isiwalat ng makinang ito
sa bawat pindot ko sa tiklado ng computer na gamit ko
ang mga pananaw ko
hinggil sa mga bagay-bagay
na maaaring pumukaw ng interes mo
sa panahong nagrerebolusyon ang lahat
sapat lang marahil ang ganitong pakiramdam
sakto lang ang manamlay
tama lang ang mapagod
pero pasulong pa din ang landas
at siya naman dapat
kahit pa nga itong puso
nalilito sumisirko
tambling dito
salto doon
tuliro ang pakiramdam
tila namamanhid pag minsan
paano ba naman hirap akong malaman
ano ba tlaga itong nararamdaman
parang ewan
mainam pang maramdaman
(paumanhin kung kumakain ka man
O medyo bastos pakinggan sa isipan)
na matatae ka sa gitna ng isang palatuntunan
kaysa ang ganito na di mo agad malaman
*malalim na buntong hininga*
*pikit*
paano na nga ba?
ano na?
hindi ko naman malapitan upang makausap man lang
hanggang tingin na lang
kapag malapit sya
o kaya ay nasa di kalayuan
o basta abot tanaw
nitong matang ibig na maduling
sa hirap na nararanasan
nagtatanong-tanong
kumakausap ng kakilala nya
na maaaring mahingan ng kahit katiting na impormasyon
kung sino sya
at ang ilang mga hilig nya
hay
parang gusto kong mapamura
nanliliit ako sa bawat nakikita
sa bawat nalalaman ko
hinggil sa kung ano at sino siya
sana hindi na lang naramdaman
sana di ko na nadarama
ngayon atubili pa din ako
nagtatanong pa din kung paano
pero sana sa lalong madaling panahon
makapagdesisyon ako
mahirap ang ganito
torpe ng rebolusyon ang labas ko
at kung susuriin mo l
iberalismo ang basa dito
sa nagaganap sa aking pagkatao
sa usapin ng puso
at nadarama nito
tama ba?
Sagutin mo ako.
Pagalitan na din kung ibig mo
Tanga na kung tanga para sa iyo
Pero kasi
Anong magagawa ko.
Sabi nga sa burgis na linya
“langit sya. Lupa ako.”
Ang lungkot di ba?
Habang siya…
Hay…
Oo siya
Ang daming humahanga
At tila lalo akong kinakabahan
Sa ganoong paghanga
At kahit sarili ko
Gusto ko ng itago sa hiya Bahala.
Makakaya ko nito
Bahagi ako ng rebo
At dapat magdesisyon ako
Matapos kong timbangin ang mga bagay
Dapat Obhetibo
Kahit suhetibo ang nadarama ko
*buntong hininga*
Pihado may napupusuan siya
at doon di mapanatag ang aking kaba
Kasi di naman talaga siya halaman
Nagmamahal siya
Dahil siya ay kasama
Rebolusyonaryo
Aktibista
Kadre
Lider
subalit
at kahit pa anong mangyari
nagyoyosi man siya at ako ay hindi
umiinom man siya ng alak at ako ay hindi
mahusay man siya sa mga bagay na ako ay hindi
at kahit napakaraming humahanga sa kanya
habang sa akin ay walang kahit isa
mano naman basta ang alam ko
mahalaga siya
hinahangaan ko siya
sa usapin ng pulitika
sa usapin ng ideolohiya
sa usapin ng organisasyon
At marahil nga
siguro nga
dahil doon
mahal ko siya
Sa pamantayang mayroong distansya
Pero isisigaw ko na lng muna
‘…Bahala naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa..!”

patuloy na dadaloy ang pakikibaka

Walang komento:
May busal ang bibig
May piring ang mata
Pati tenga pinasakan ng pambara
Tila robot tayong pinasusunod nila
Hindi po kami makinang de-pindot
Tao po kami may puso’t isip, natutuwa nalulungkot
May karapatang umalma marunong sumagot
Hindi kami mga musmos na nauuto at matatakot
Hindi mabubulagan sa mga “kending”nakabalot
Sapagakat ang dignidad po hindi napupulot
Ayaw po naming sa huwad na pangako
Tao po kaming naghihinay ng sagot
Mga pangarap na mahirap maabot
Kahit may balakid pilit isusuot
Kahit pa nga buhay ay malagot
Matamasa lang ng lahat ginhawang dulot
Sugatan man ang isipan maging ang puso
Batid kong magtutuloy ang laban sa pagbugso...

-orly oboza

rare gift

Walang komento:
My pen now slowly moves on a paper
While I am hoping that I’ll be wiser
It’s delicate but I’ll try some words to pamper
And create something a little bit nicer

It’s not enough to offer you the moon and all the stars
For I do believe it will only cause a lot of wars
Yet it is not timely to give diamond ring or gold bars
Neither something to ride on like the most gallant limousines

I think it’s more fit to give you my heart and soul
Though it’s not big in numbers at least it is a whole
You may not give it importance just like a black coal
But as you accept it may you realize my humble role

I want to be there for you when you cry
You can use my broad shoulders just give it a try
I like to be there for you when you’re upset and dry
You can throw anything even the oil you used to fry

I long to be there for you when no one seems to care
I’ll help you realize that the world is not unfair
You’ll notice I brought with me a smile for you to wear
And soon everybody will look at you and stare

I love to be there during your saddest moment
I’ll be like an angel that is heaven sent
I’m just a friend of you who’s willing to be bent
And risk my whole life for that is what my love is meant

-orly oboza

+*tulang katha noong katanghalian ng pagkakalalang ng may akda.

Huwebes, Abril 10, 2008

a feeling of beauty

Walang komento:
if michaelangelo would have seen you before Monalisa
i'm sure he would have painted you insted of her in front of Pisa
if Zeus myth was real this very day
seeing you will let Him follow whatever you say

you're so beautiful my muse inside and out
every adonis will surely fall for you and thats do doubt
please hear this simple song my heart is playing
forget the croaking voice just feel the message unfolding

it's like a simple yet elegant rose in a pot
the room is limited but the sky within is not
sooner or later its roots will grow deep
am prayin' you'll take care of it and in your heart please do keep

it may not offer any sweet fragrance not at all
the height it will fathom may not be that tall
but having me will surely make a big difference
i hope that somehow someday it will make sense

-orly oboza

my offer for an angel

Walang komento:
Only for a moment you were there...just there...
You suddenly disappear to a point of nowhere
That smile I see from your Angelic face
Just let me find this world a better place
Those gorgeous eyes of yours that suggest a lot
Bestows me a feeling of calmness no matter what
At times I felt youre like a falling star
You can be one good ground to stop a war
The voice you own so sweet and sober
Compares to a peaceful flow of water in a river
My world abruptly became a view of myriad colors
Every scene is a painting of undoubted honors
A canvas of poetry, of beauty, and of song
Timeless tale of love being offered all along
Definitely stunning everybody would agree
Am grateful for the magnificence that I now see
I believe its not enough to utter you words of praises
When will I able to cuddle you my lovely princess
How can someone resist your charming grin?
Full of enchantment and magic and glitter in between...


-orly oboza

LEAVES

Walang komento:
I was left alone with no motion
My mind was in deep mystification
Like a calm sea with fleet of ice
Then something invisible to my eyes
Suddenly makes a very soft whisper
A murmur that echoes to my ear forever
“This time you were not wise!”
Tears are now within my weary eyes
The sight now dims and blurred
While my head turns and whirled
It was just so tender and mild
Yet it has an authority I abide
Guilt inside my soul slowly arise
Now its haunting me to pay the price
Then there were a memory flashed
Pictures of bloodstain rushed
The scene was something strange
A thing so unusual and out of range
But it brings a depth of unfathomed reach
A cut so deep that makes me weak
Now I know…
I’ll not be able to see them… like falling leaves
Not anymore…
Cause I myself… now leaves.


-orly oboza

premonition

Walang komento:
I just saw and realize I’m looking at the horizon
Nothing so important, nothing so special to mention
My eyes keep on extending its limited reach
While my heart tells something for my mind to teach

Suddenly smoke came clouding over my tired eyes
The sight now turns blurred and beyond my cries
No matter how hard I try to see what lies beneath
There’s always a hindrance to fight and survive the
heat

No birds flying and exploring the used-to-be blue sky
Fish swims no more in the sea cause its already dry
Trees are gone to sway as the wind come whistling
And the nature’s hymn can’t be heard sweetly playing

I let myself be awaken from the scary scene
Pause for a moment and think of a way to offer a win
But all I can give were the usual useless tears
That somehow I know has cast away my fears

-orly oboza

once in a while

Walang komento:
this life has always been one long journey
An issue for power, fame and even money
But the best of it all and always stands out
The love that can be seen and heard thru one’s mouth
Love that can be felt from hearts that shout
That’s the very reason why having you is a gift
A blessing in this expedition always on a shift
The road may be long and rocky sometimes
Sharp curves may be in this trip of different rhymes
Scenery may not be pleasant for the eyes to see
I don’t care at all as long as you’re near me
Every once in a while you’ll learn to smile
No matter how hard I’ll stay calm at the aisle
Knowing you’re beside me I can be who I wanna be
This feeling inside as resilient as a tree
Heart break would just be a motivation factor
Something I will always look back to with deep honor

-orly oboza

....r3m1n!sCe....

Walang komento:
i stil can recall the very day that we met
it was out of plan everything was not set
i feel so awkward about the very scene
my nerves wer still shaking underneath my skin
i just saw myself walking across the busy street
dancing cha-cha with the vehicles beating up the heat
if i could only fly just to reach you at once
but ihave to be patient and wait for my chance
you're really one in a million i must admit
the very girl i have been longing to meet
simple and timid a precious gem indeed
a princess whom i know will always be in lead
just remeber this words to youy i'll tell
in everything you're in i pray you do well
i'll always be here for you no matter what
"I LOVE YOU" more than the life i've got
i'm truly grateful to our Almighty Creator above
though i couldnt offer anything but the love i have
this dull life you hav painted with such a lovely hue
now i can do nothing but to appreciate the view
plese don't stay here just for this cold strife
come with me through all for the rest of life
but if you have decided to go and move away
it will bring tears for sure but i won't block your way


-orly oboza

My heart

Walang komento:
If you cud only feel the rhythm of my heart
Then you would know my feelings from the start
The beat it follows will always be there
Beat that is worth listening even without flare

Listen to its melodious hymn and sound
In any other places it cannot be found
You can only hear it here inside me
Inside my heart that sings so free

This feeling is so strong and holds deep
It will last for a lifetime for me to keep
Even though I reach the death I succumb
The roots my heart will crate will dig down unfathomed

My love for you friend is no ordinary
The songs of the world my always very
Nature may scatter its colors rampantly
But this feeling will always be within me

Someone special… that will always be felt
I won’t trade you to any earthly wealth
For the friendship with you is just enough
And to break it will be so hard and tough


-orly oboza


*tulang katha noong katanghalian ng pagkakalalang ng may akda.

my vow

Walang komento:
I haven’t heard anything from you
And I cry because my world has no hue
It’s sad to know that these tears are falling
While everything around seems to be changing
You’ve been a friend to me that I know
And a message from you never makes me low
Rather it brings me into a simple smile
I feel happy for that for quite a while
All of the pains and heartaches suddenly disappear
It seems to me that they were put into tears
All were wiped out and everything were cleanse
I knew you’re my fortress, a very solid fence
“Friend” that will always be there for me
Though we’re far away and we seldom hear and see
My prayers will jeep you always fine
Your friendship will be kept in this heart of mine
My pillow knows how I long for that say
That we could meet in person that I pray
I don’t know when and I can’t tell how
But whatever happens our friendship will be my vow

-orly oboza

**tulang katha noong katanghalian ng pagkakalalang ng may akda.

melancholy

Walang komento:
if there's no bridge that connects us close
i'll swim the sea from coast to coast
if there's no more dreams for you to live
i'll grab your hand and let you weave
if there's no more space for you to breathe
i'll offer you mine to finish your myth
if there's no love left there inside your bleeding heart
i'll touch it with caress and help you make a new start

if you open your eyes and does not see the scorching sun
don't worry cause i'll be near to hold your hand
if you speak your mind and no one seems to [listen and] care
just go on sharing your thoughts for i'll be there to mind your ware
but if your love one doesnt come when you need him most
dont try to turn to me and make me your loving host
you'll only hurt me deep if you'll use me as cover
to fill that hole within you and when he comes back
you'll say to me it's all over...

-orly oboza

*tulang katha noong katanghalian ng pagkakalalang ng may akda.

Martes, Abril 1, 2008

isusulat ko ang kanilang karanasan

Walang komento:
tunay na matalinghaga ang mga salita.
gamitin natin para sa paglaya.

mahalaga ang bawat mong kataga
ang bawat titik na maingat mong ihahanay
upang makabuo ng isang tula
o kaya mga talata
kwentong katha
ng isipan mong saksi sa lipunang
kubkob ng pagsasamantala ng mga banyaga

hayaan mong humalik ang tangan mong pluma
at padaluyin ang tintang dugo at pawis na nagmula sa masa
pagliyabin natin ang kasaysayan
ng libo-libong pakikibaka
ng mga akda at talinghaga
sa pamamagitan ng ating mga salita.

huwag mong ipagkait ang angkin mong galing
sa paghubog ng isang lipunang malaya
mula sa pambubusabos ng mga sakim
padaluyin mo ang alab ng iyong katha
at walang kasing ganda mong iguhit ang pakikibaka
doon sa mga linya ng talinghaga
ng dusa at pagsasamantala

pasadahan mo ng may kinang ang bawat mong awit
ang mensaheng sinisisid ay naglalagos
sa pusong mayroon ding isip
na makalaya at huwag nang muli ay ipinid
ng kadena ng sangdaang pang-aalipusta
sa bartulina ng nilunod na pangarap ng masa

+ni maria baleriz