Martes, Abril 29, 2008

nandito

nandito nandito nandito
ang kamay na naisip ko
ilublob sa palayan-isdaan
upang sa saglit ay maging
tila barko o bapor
na sumusuyod sa karagatan
ng isdang panlalaman sa tyan
kasabay ng mga kaning likha
na mga dakilang magsasaka sa kanayunan

nandito nandito ang gabing pusikit
at makabasag pandinig
ang katahimikang bitbit
sa awit ng hanging may
may oyaying baun-baon
nahihimlay ang diwang pagod
dulot ng gawa maghapon


nandito nandito
ang malamig na hangin
niyayapos ako sa aking pag-iisa
pilit pinupunan ang kulang na larawan
ang bakanteng espasyo na katabi ka
sapagkat di naman talaga
ang buwan at mga bituin
ang handa kong ialay
kundi ako
at ang pangakong pag-ibig
sa iyo at sa sambayanan
na ating pinaglilingkuran



-mula sa "nandito" ni maria baleriz

Walang komento: