alam ko wala namang mahalaga
sa iluluwal kong mga salita
at kahit mabasa mo magtiwala ka kaya?
pero kahit ano pa hayaan mong isiwalat ng makinang ito
sa bawat pindot ko sa tiklado ng computer na gamit ko
ang mga pananaw ko
hinggil sa mga bagay-bagay
na maaaring pumukaw ng interes mo
sa panahong nagrerebolusyon ang lahat
sapat lang marahil ang ganitong pakiramdam
sakto lang ang manamlay
tama lang ang mapagod
pero pasulong pa din ang landas
at siya naman dapat
kahit pa nga itong puso
nalilito sumisirko
tambling dito
salto doon
tuliro ang pakiramdam
tila namamanhid pag minsan
paano ba naman hirap akong malaman
ano ba tlaga itong nararamdaman
parang ewan
mainam pang maramdaman
(paumanhin kung kumakain ka man
O medyo bastos pakinggan sa isipan)
na matatae ka sa gitna ng isang palatuntunan
kaysa ang ganito na di mo agad malaman
*malalim na buntong hininga*
*pikit*
paano na nga ba?
ano na?
hindi ko naman malapitan upang makausap man lang
hanggang tingin na lang
kapag malapit sya
o kaya ay nasa di kalayuan
o basta abot tanaw
nitong matang ibig na maduling
sa hirap na nararanasan
nagtatanong-tanong
kumakausap ng kakilala nya
na maaaring mahingan ng kahit katiting na impormasyon
kung sino sya
at ang ilang mga hilig nya
hay
parang gusto kong mapamura
nanliliit ako sa bawat nakikita
sa bawat nalalaman ko
hinggil sa kung ano at sino siya
sana hindi na lang naramdaman
sana di ko na nadarama
ngayon atubili pa din ako
nagtatanong pa din kung paano
pero sana sa lalong madaling panahon
makapagdesisyon ako
mahirap ang ganito
torpe ng rebolusyon ang labas ko
at kung susuriin mo l
iberalismo ang basa dito
sa nagaganap sa aking pagkatao
sa usapin ng puso
at nadarama nito
tama ba?
Sagutin mo ako.
Pagalitan na din kung ibig mo
Tanga na kung tanga para sa iyo
Pero kasi
Anong magagawa ko.
Sabi nga sa burgis na linya
“langit sya. Lupa ako.”
Ang lungkot di ba?
Habang siya…
Hay…
Oo siya
Ang daming humahanga
At tila lalo akong kinakabahan
Sa ganoong paghanga
At kahit sarili ko
Gusto ko ng itago sa hiya Bahala.
Makakaya ko nito
Bahagi ako ng rebo
At dapat magdesisyon ako
Matapos kong timbangin ang mga bagay
Dapat Obhetibo
Kahit suhetibo ang nadarama ko
*buntong hininga*
Pihado may napupusuan siya
at doon di mapanatag ang aking kaba
Kasi di naman talaga siya halaman
Nagmamahal siya
Dahil siya ay kasama
Rebolusyonaryo
Aktibista
Kadre
Lider
subalit
at kahit pa anong mangyari
nagyoyosi man siya at ako ay hindi
umiinom man siya ng alak at ako ay hindi
mahusay man siya sa mga bagay na ako ay hindi
at kahit napakaraming humahanga sa kanya
habang sa akin ay walang kahit isa
mano naman basta ang alam ko
mahalaga siya
hinahangaan ko siya
sa usapin ng pulitika
sa usapin ng ideolohiya
sa usapin ng organisasyon
At marahil nga
siguro nga
dahil doon
mahal ko siya
Sa pamantayang mayroong distansya
Pero isisigaw ko na lng muna
‘…Bahala naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa..!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento