Sabado, Abril 12, 2008

para sa isang prinsesa...

lumilipas ang oras na di ko na nga alintana
habang niyayakap ako ng hangin mula sa bintana
dibdib ko'y naninikip na tila may nakapana
mabuti na lang at tumitibok ang puso't agad sinangga

bakit ngayon lamang nakilala ang mutyang prinsesa
kailangan pang lumipas ang mahigit dalawang dekada
upang ang isang pagkakaibigan ay aking makita
gayunman nalulugod pa rin at nasumpungan ka

kapara noong unang magkita tila dahong makahiya
pagal na puso koy gumaat sa hirap sandaling lumaya
salamat sa pagkakataong tayo poy nagkasama
kay ikli man ng oras ibayong tuwa ang nadama

ngayon hinala ko lalawig pa ang pagkakaibigan
batid kong tatagal ito ng magpakailanman
kapara ng hangin, tubig, at araw sa isang halaman
yayabong ang pagkakaibigang pinagtagpo ng kapalaran

kaya prinsesa pagkalugod koy alang pagsidlan
salamat at tinanggap mo ako bilang kaibigan
pusoy tila sasabog, puputok sa kagalakan
samahan natiy asahan mong pakaiingatan


-orly oboza


*katha ng may akda sa katanghalian ng kanyang buhay

Walang komento: