Miyerkules, Nobyembre 27, 2013
[maria baleriz] 'tulong'
"tatlong sampung piso na barya
pambili po doon ng kanilang tinapay
upang hindi mayupi sa pagbyahe,"
wika ng isa nating kababayan
nagbigay ng donasyon para sa mga
nakaligtas sa bagsik ni Yolanda doon sa kabisayaan
pangangalakal ng basura ang kanilang ikinabubuhay
ngunit buong buo binigay nila ang malaking
bahagi ng kanilang pinaghirapang kitain
habang itong gobyerno?
nakuha pang pagkakitaan ang mga nasalanta ng bagyo!
PUTA KAYO!
*ang larawan ay mula sa ireport.cnn.com
Linggo, Nobyembre 24, 2013
[severino hermoso] dalawang pinto at isang kwarto
dalawang pinto at isang kwarto ang pagitan
sa pagnanais na masulyapan
ang dahilan ng damdaming kamakailan
animo idinuduyan
sa karagatan ng
mga hangin at ulap
sa kalawakan ng
mga bituin at buwan
na napupuyat sanhi nang pag-iisip
kung paano dapat
susulong sabay ang pakikibaka
at pagsinta na inaapuhap
malalaman mo din itong sinasambit
ng mga tugma at talinghaga
itong madalas pagkaaligaga ng mga kataga at letra
sana
tanggapin mo itong iaalay na pagsinta
malapit na
sa ngayon
dalawang pinto
at isang
kwarto
at mga kasama
ang pagitan nating dalawa
*ang larawan ay mula sa artnet.com
Sabado, Oktubre 12, 2013
[piping walang kamay] galit ang dagat sa imperyalismo
nililinis nitong dagat ang mga kalat
na itinapon sa kanya nitong mapanirang Imperyalismo!
masdan mo ang mga alon
walang pagod sa pagtaboy
hanggang marating ng mga basura
ang pampang
walang pagod na animo mga brasong
pinagpapasa pasahan ang mga basura
maianod lang sa dalampasigan
masdan mo ang tabing dagat
pagtapos humagupit ng bagyo
nagkalat ang mga duming likha
ng sistemang kapitalismo!
Ang larawan ay mula sa UNTV.
Linggo, Setyembre 29, 2013
[severino hermoso] rurok
ipakita mo sa akin
kung gaano katayog
ang pagsintang
iyong hinahandog
at aking ipadarama
ang kaibuturang di
kailanman maaarok
nino man kundi
ikaw lamang irog
sinong nagbanggit
na ukol lamang sa
rurok ang langit
gayong ito ay may
kinikilalang lalim
pag-ibig...
severino hermoso | rurok | ©2013
[maria baleriz liwanag] bayan
bayan
kapag yaong sandali dumating
at ako'y tanungin
gaano kita iniibig?
sukdulang ang mga luha
maglayas mula sa aking mga mata
at lipulin-lunurin
silang may dahilan ng ating mga hilahil
hanggang tumakas mula sa mga salarin
ang mga humihiyaw na tinig
na nagpapahayag na sa tapang nilang manlupig
sila na ay nagtataksil
huli na ngunit
talas ng ating mga busog
talim ng ating mga gulok
liksi ng ating mga punglo
ang sa kanilang kabuktutan
papaslang at uusig
maria baleriz liwanag | bayan | ©2013
Miyerkules, Setyembre 25, 2013
Ang Kilometer 64
Ang Kilometer 64 ay isang ugnayan ng mga makata at ng mga may natatanging hilig sa tula, na ang karamihan sa mga kasapi ay nasa Pilipinas ngunit may ilan din namang nasa ibang bansa. Nabuo ito noong Marso 14, 2003.
Bakit Kilometer 64? Sa Ingles, kung dadaglatin, ang Kilometer ay nagiging Km, at ang Kilometer 64 ay kumukuha ng inspirasyon sa organisasyong Kabataang Makabayan (KM) na itinatag noong 1964.
Bilang isang organisasyong isa sa mga nilayon ay ang pagpapalaganap ng kultura ng patriotismo, ang KM ay humango ng aral mula sa kasaysayan ng bayang Pilipino at sa mga buhay at nagawa ng mga personalidad na nag-ambag nang malaki sa pagsulong nito – kabilang ang premyadong makatang si Amado V. Hernandez.
Sa mga panahong ito ng pagsubok – na inilalarawan ng marami sa mga komentaristang panlipunan sa akademya man o pabatirang madla bilang isa ring panahon ng paghahanap ng katuturan, naniniwala ang Kilometer 64 na malaki ang magiging kapakinabangan ng pagpapatuloy ng KM matapos itong ideklarang iligal nang ipataw ang batas militar noong 1972.
Hangad ng Kilometer 64 na mapalaganap ang pag-ibig sa bayan at sa kapwa, na itinatanghal maging sa mga aklat-araling pinopondohan ng pamahalaan. Ginagawa ito ng Kilometer 64 sa pamamagitan ng paglikha at pamamahagi ng panulaang nagsusulong ng pagpapahalagang ito.
Naipamamahagi ng Kilometer 64 ang mga akda nito hindi lamang sa pamamagitan ng paglalathala ng mga koleksiyon, kundi maging sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga poetry reading sa mga bar at paaralan, at maging sa mga piketlayn, sa lansangan at sa mga maralitang komunidad.
Itinuturing na mahalagang bahagi sa kasaysayan ng Kilometer 64 ang pagkakalathala ng 40: Mga Tulang Alay sa mga Martir na Kabataan. Inilunsad sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) noong Nobyembre 2004, natitipon sa aklat na ito ang mga tula mula sa 40 makata na nagpupugay sa yumaong mga kabataang bayani ng patuloy na pagsisikap ng sambayanan na maitatag ang tunay na soberanya, katarungan, at mabuting pamamahala sa bansa. Nagsilbi itong ambag ng Kilometer 64 sa paggunita sa ika-40 anibersaryo ng KM noong Nobyembre 30, 2004.
Tagapagtatag: Rustum Casia
Pangkalahatang Kalihim: Alexander Martin Remollino
Maaari din ninyong bisitahin dito ang blog ng KM 64. Ang larawan ay mula sa facebook ng KM 64.
[maria baleriz liwanag] para ho
pinili ko ang likuran
at doon maingat na naupo
pumuwesto na nakatanaw sa may bintana
upang matanaw ng pagod na mga mata
ang hitsura ng abalang paligid
habang lulan ako ng pampasaherong dyip
maya-maya
kinapa ang aking bulsa
hanap ang kalupi ng mga barya
kinuha ko at binuksan
matamang binilang
mga mamerang iniingatan
hinugot ang mga mamiso kapagdaka
nakisuyong pakiabot ang pamasaheng pera
doon sa tsuper ng dyip na sa ami'y may dala
nagpasalamat ako
at paglipas ng mga ilang minuto
nagsalita ako
ang lakas ay sapat upang marinig hanggang dulo
kung nasaan ang maingat na nagmamaneho.
"Para ho."
maria baleriz liwanag | Para ho | ©2013
*Ang larawan ay mula sa Mindanao Bob
Martes, Setyembre 24, 2013
[maria baleriz liwanag] nauulit ang propesiya
naglabas ng milyon-milyong pondo
itong magaling na gobyerno
upang ihasik sa Zamboanga ang impyerno
kaliwa't kanang bomba at punglo
lumilipad sa kung saan-saang dako
upang mailunsad ang digmaang moro-moro
kapag sibilyan ang natamaan
isisisi sa mga rebeldeng kalaban
ang sala sa mga balang naligaw
o kaya collateral damage ang sigaw
ng mga bayarang berdugong dumayo pa sa Mindanaw
para bigyang katuwiran ang kanilang kainutilan
at upang pagtakpan ang pork barrel scam
ng mga amo nilang daig pa ang mga baboy at halimaw
nauulit ang propisiya | maria baleriz liwanag | ©2013
Lunes, Setyembre 23, 2013
[piping walang kamay] sariling piring
hindi maikukubli
ng piring sa mga mata
ang pagkalam ng maraming sikmura
hindi kayang pagtakpan
ng piring sa mga mata
ang laksang biktima ng pagsasamantala
nitong iilang nabubuhay sa buwis
ng mga nagbubuwis ng buhay
sa paghahanapbuhay
higit pa
hindi maikukubli
ang laganap na pagdurusa
ng mga mamamayan
sa paligid
kung wala namang talagang piring
simula't sapul pa
madalas
hinahayaan nating piringan tayo
ng ating mga naririnig at nakikita
kahit iba ang ating nararamdaman at naamoy
sa ating paligid
dahil sa kagagawan ng mga ganid.
may sarili piring kang pinahintulutan mong ikabit
[piping walang kamay] hanggang sa muli
uunahan ko ang taglagas
ako ang magtataliba sa landas
na tatahakin ngunit umiiwas
magpapaalam akong maaga
sa bukangliwayway
upang hindi nila ako makita
tutal ako lamang mag-isa
at walang ibang tutudla
mahal kaya kita noon
pero kailangan ngayon
na maghiwalay
ang ating mga hakbang
may kaharap tayong sangangdaan
at may kailangan akong iwan
walang luhang dapat mamagitan
walang lungkot na dapat masilayan
pagkalugod ang aking paalam
at kung magkita tayo doon sa kung saan
muli mahigpit kitang yayakapin
at pasasalamat ang ipababatid
hanggang sa muli
mga talinghaga at titik
sa aking pagharap sa pilapil
na naghihintay sa akin
pigil ko ang pagdaloy ng sakit
na sa mga mata lilisan
hanggang sa muli
hanggang sa muli
hanggang sa muli | piping walang kamay | ©2013
Biyernes, Setyembre 20, 2013
[severino hermoso] Maulan ang Setyembre Patria
malakas ang buhos ng ulan
at marahas itong hangin sa paghampas
naaalala kita
habang pinipilit
butasin tula nitong
nagtutulong na ulan
at hangin
yaring bubungan at bintana
ng sasakyang ako ang lulan
at ang iba pang pasaherong
nasasabik nang makapiling
ang kanilang tahanan
naalala kita
ikaw na aking sinisinta
ikaw na katabi ko
lang kanina
at nagpalitan ng mainit na
pagmamahal ang
mga labi
bago maghiwalay
upang tunguhin
kapwa ang ating
panaginip
ika-37 buwan na
natin.
pag-ibig.
Maulan ang Setyembre, Patria | Severino Hermoso | ©2013
*Ang larawan ay mula sa Impetuous of Insights.
at marahas itong hangin sa paghampas
naaalala kita
habang pinipilit
butasin tula nitong
nagtutulong na ulan
at hangin
yaring bubungan at bintana
ng sasakyang ako ang lulan
at ang iba pang pasaherong
nasasabik nang makapiling
ang kanilang tahanan
naalala kita
ikaw na aking sinisinta
ikaw na katabi ko
lang kanina
at nagpalitan ng mainit na
pagmamahal ang
mga labi
bago maghiwalay
upang tunguhin
kapwa ang ating
panaginip
ika-37 buwan na
natin.
pag-ibig.
Maulan ang Setyembre, Patria | Severino Hermoso | ©2013
*Ang larawan ay mula sa Impetuous of Insights.
Huwebes, Setyembre 19, 2013
[piping walang kamay] "piring"
Mahirap gisingin ang nagtutulog-tulugan.
Mahirap makaunawa ang nagbibingi-bingihan.
Mahirap imulat ang nagbubulag-bulagan.
"piring" | ©2013
*ang larawan ay mula kay monk41
Lunes, Setyembre 16, 2013
[Andres Bonifacio] Ang mga Cazadores
Ang mga Cazadores
ni Gat Andres Bonifacio
Mga kasadores dito ay padala
Sanhi daw sa gulo’y lilipulin nila
Ngunit hindi laban yaong kinikita
Kundi ang mang-umit ng manok at baka.
Yaong mga bayang sa tahimik kanlong
Sa mga Kastila’y siyang hinahayon,
Ang bawat makita nilang nilalamon
Pinag-aagawan dahilan sa gutom.
Buong kabahayan ay sinasaliksik,
Pilak na makita sa bulsa ang silid;
Gayon ang alahas at piniling damit
Katulad ay sisiw sa limbas dinagit.
Sa mga babae na matatagpuan
Mga unang bati’y ang gawang mahalay;
Kamuntikan man lamang di nagpipitagan
Sa puring malinis na iniingatan.
At ang mga lakong kamatis [at] pakwan,
Milon, at iba pang pinamuhunanan
Walang nalabi sa pag-aagawan
Ng mga Kastila kung matatagpuan.
Lahat ng makita nilang maggagatas
Agad haharangin, dada’nin sa bulas,
Tuloy lalaklakin ng mga dulingas
Anupa nga’t wala nang pinalalampas.
Ngalang “cazadores” hindi nararapat
Kundi “sacadores” ang ukol itawag;
Bakit sa [tagaa’y] malayo at agwat
Mandi’y halataing matakaw at duwag.
Martes, Setyembre 10, 2013
[maria baleriz liwanag] 10piso
Umaabot na sa mahigit isang libo
Ang arawang gastos ng pamilyang Pilipino
Ang minimum na sahod ng isang obrero
Abot lang ng apat na raan limampu't anim na piso
Bakit nga ba hinahayaan ito ng mga pulitiko?
Kapakanan ba ng nakararami ang pinupuno
O bulsa ng iilan ang kanilang sinisigurado?
Itaas ang Sahod Php125 across the board!
Ibasura ang Pork Barrel! Ilaan ito sa Serbisyong Panlipunan!
Lunes, Setyembre 9, 2013
[piping walang kamay] dagdag sahod: 10 piso
sampung pisong idadagdag sa sahod
di pa malaman kailan ipapamudmod?
pinapaasa sa limos na barya
ginagawang pulubi ang mga manggagawa
habang may mga pulitikong tila bampira
nabubuhay sa buwis ng mga gumagawa
mayroon pa ngang nagregalo ng mga paper bag
at ang laman milyong galing sa kaban ng bayan?
tapos sa taas nitong mga bilihan ang mga dakilang obrero
sampung piso lang ang mapapalang dagdag sa omento?
isang malaking insulto!
Makabuluhang dagdag sahod Ipatupad!
Php125 across the board wage increase!
Tutulan ang kontraktuwalisasyon!
Presyo, Ibaba! Sahod Itaas!
di pa malaman kailan ipapamudmod?
pinapaasa sa limos na barya
ginagawang pulubi ang mga manggagawa
habang may mga pulitikong tila bampira
nabubuhay sa buwis ng mga gumagawa
mayroon pa ngang nagregalo ng mga paper bag
at ang laman milyong galing sa kaban ng bayan?
tapos sa taas nitong mga bilihan ang mga dakilang obrero
sampung piso lang ang mapapalang dagdag sa omento?
isang malaking insulto!
Makabuluhang dagdag sahod Ipatupad!
Php125 across the board wage increase!
Tutulan ang kontraktuwalisasyon!
Presyo, Ibaba! Sahod Itaas!
Sabado, Setyembre 7, 2013
[severino hermoso] sa mga may crush, huwag tutularan si Huwan Tamad
kung ikaw ang pangarap na pagmamahal
at kapara mo'y bunga sa puno ng bayabas
hindi ko tutularan si Huwan Tamad
na aasang mahulog ka sa aking paghihintay
gagawa ako ng paraan upang ika'y mahulog
sa wagas na pagsintang aking dinudulog
kahit mangyaring mundo mo'y yanigin
gaano man kataas akin kang susungkitin
lahat lahat magagawa ko man din
o kahit pa ang ikaw ay akyatin
dahil hindi hinihintay ang pagsinta
upang makamit pagkilos ang ginagawa
at kapara mo'y bunga sa puno ng bayabas
hindi ko tutularan si Huwan Tamad
na aasang mahulog ka sa aking paghihintay
gagawa ako ng paraan upang ika'y mahulog
sa wagas na pagsintang aking dinudulog
kahit mangyaring mundo mo'y yanigin
gaano man kataas akin kang susungkitin
lahat lahat magagawa ko man din
o kahit pa ang ikaw ay akyatin
dahil hindi hinihintay ang pagsinta
upang makamit pagkilos ang ginagawa
Biyernes, Setyembre 6, 2013
[maria baleriz liwanag] Air Strike noong agosto 30, 2013 sa Sagada
sa sinapupunan mo nakahimlay ang pinto ng langit
datapuwat may mga demonyong gawi'y maghasik
pinasakay sa dalawang helicopter ang kanyang mga bubuwit
at binomba nang binomba ang kapanatagang inyong sinusulit
nawasak ang kariktang pinakaiingatan
ginambala ang panatag na pamayanan
sinalaula nitong tuwid na pamahalaan
na tagapamandila tunay ng kabuktutan
anong batas ng tao ang nagbigay sa kanila ng karapatan
upang manira ng mga bagay at kabuhayan nino man?
saan banda? saan banda makikita rito sa tuwid na daan
na ang paggalang sa karapatang pantao ang kinikilingan?
kayong mga berdugong pulis at militar
kayong mga buwaya sa tubo at kapangyarihan
kayong mga buwayang nabibihisan
ng mga barong at amerikanang
mula sa pagnanakaw ninyo sa mamamayan
kulang pa itong mga salitang bibitawan
kung maaari lamang isa-isa kayong gilitan
sana magagawa iyon nitong mga salita:
mga wala kayong konsensya!
datapuwat may mga demonyong gawi'y maghasik
pinasakay sa dalawang helicopter ang kanyang mga bubuwit
at binomba nang binomba ang kapanatagang inyong sinusulit
nawasak ang kariktang pinakaiingatan
ginambala ang panatag na pamayanan
sinalaula nitong tuwid na pamahalaan
na tagapamandila tunay ng kabuktutan
anong batas ng tao ang nagbigay sa kanila ng karapatan
upang manira ng mga bagay at kabuhayan nino man?
saan banda? saan banda makikita rito sa tuwid na daan
na ang paggalang sa karapatang pantao ang kinikilingan?
kayong mga berdugong pulis at militar
kayong mga buwaya sa tubo at kapangyarihan
kayong mga buwayang nabibihisan
ng mga barong at amerikanang
mula sa pagnanakaw ninyo sa mamamayan
kulang pa itong mga salitang bibitawan
kung maaari lamang isa-isa kayong gilitan
sana magagawa iyon nitong mga salita:
mga wala kayong konsensya!
[severino hermoso] bye
at higit ang lumbay na sinulat sa puso
noong lumisan sila di na kita makakatagpo
wala na akong makakayakap sa tuwina
at sa panaginip na lang kita makakasama
sa alaala na lamang kita makakasayaw
sa alaala rin sabay nating sinuong ang araw
sa alaala rin ako magbabalik-tanaw
kung saan ganap ang ako at ikaw
Huwebes, Setyembre 5, 2013
[piping walang kamay] ulan
para kang ulan sa tag araw
pag nagtago na ang araw
hindi na masilayan
tulad mo'y araw na sinusuyo ang buwan
pag-asa ang bawat bukangliwayway
kung saan halik mo na inaalay
kasama ng hangin matatagpuan
doon ka matiyagang naghihintay
sa pagsapit ng dapithapon
habang itong buwan na nag-aalinlangan
masugid mong inaabangan
kay raming pusong lumuluha sa parang
umaasa sa isang pagmamahal
tulad ng ulan
tulad ng ulan
pag nagtago na ang araw
hindi na masilayan
tulad mo'y araw na sinusuyo ang buwan
pag-asa ang bawat bukangliwayway
kung saan halik mo na inaalay
kasama ng hangin matatagpuan
doon ka matiyagang naghihintay
sa pagsapit ng dapithapon
habang itong buwan na nag-aalinlangan
masugid mong inaabangan
kay raming pusong lumuluha sa parang
umaasa sa isang pagmamahal
tulad ng ulan
tulad ng ulan
[piping walang kamay] umuulan din ng korapsyon sa tuwid na daan
dumating itong ulan na hindi nag-iisa
kasama niya'y hanging tila nagwawala
hinalungkat lahat ng dako at pagitan
binasa ang nakatabing at di natatabingan
hindi naman biglaan ang kanyang pagpunta
ipinamalita ito ng mga tinawag na dalubhasa
malungkot na sa dinamidaming beses na pagpunta
lagi't-laging may nawawala at nabibiktima
kung alisin na lahat ng pork barrel at iba pa nitong porma
ideretso na sa pondong pampagawa sa lahat ng ahensya
upang sa bawat pag-ulan maiwasan ang mga buhay sa pagkawala
at nang hindi na napupunta sa mga bulsang pinagpala
higit na mainam kaya?
dito sa tuwid na daan
di lang umuulan ng korapsyon
bumabaha pa sa konsumisyon
Martes, Setyembre 3, 2013
[severino hermoso] tungkol sayo
may gusto kang ibukas sa akin
ngunit hirap ang puso na sabihin
kaya ang nagsambit ng iyong damdamin
yaong mga matang naging iyakin
habang ang bibig mo't tinig
tila nalunok at tuluyang naumid
madalas kitang naaalala
higit tuwing ulan ang bibisita
palagi
mag-iingat ka
paki-ingatan rin sana
ang ating mga alaala
tungkol sayo | severino hermoso
Huwebes, Agosto 29, 2013
[maria baleriz liwanag] kanayunan
mga baso't tapayan na isinahod sa labas
malapit nang mapuno nitong ulan
may tubig nang malalasahan
mapapatid na rin ang uhaw
malapit nang mapuno nitong ulan
may tubig nang malalasahan
mapapatid na rin ang uhaw
mainam na lang at umulan
mainam na lang at
mainam na lang
mainam na
mainam
sa mahal nang singil sa mga serbisyo
at sa taas ng mga presyo
upang ang kalam ng tiyan ay mapuno
at ang mangmang na isip matuto
saan pa nga ba tayo tutungo
gayong napakababa ng suweldo
at wala pang kasiguraduhan sa trabaho?
pinasahol pa nitong korapsyon ang ating kahirapan
habang itong tao di malaman saan kukunin ang pagkain sa hapag
naroon sila at nagpapakasasa sa pinaghirapan ng mamamayan
kapag nahuli at nakasuhan
speacial treatment pa ang ibibigay sa mga ulupong at buwitreng kriminal
pati hustisya walang paglagyan sa tuwid na daan
saan pa nga ba tayo tutungo?
malawak na malawak ang kanayunan
na malawak ang kanayunan
malawak ang kanayunan
ang kanayunan
kanayunan
kung alam ninyo ang sinasabi ko...
ngiti.
Biyernes, Agosto 23, 2013
[piping walang kamay] Agosto 23, 2013
Sigaw sa Pugadlawin, hustong isang daan at labing-pitong taon mula noong una itong naganap. Sinusulat ko ito nang makailang ulit. Makailang ulit sa aking isip upang sa aki'y hindi mawaglit. Sa gitna ng mga nagpoprotesta sa Liwasang Bonifacio laban sa laganap na katiwalian sa pamahalaan namataan ko ang ilang mga musmos na hindi man direktang kalahok ay nakikiisa sa paghiyaw ng hinaing ng mga mamamayang patuloy na ninanakawan ng karapatang mamuhay ng marangal nitong iilang mga dayuhan at mga nasa kapangyarihan. Naroon sila sa tila bukal ng protesta laban sa pagsasalaula ng pangulo at ng kanyang mga kasapakat sa pork barrel (na galing sa pagod ng mamamayan). May pinaghahatian sila mula sa laman ng isang maliit na basong plastik.
sa may liwasang bonifacio
tatlong musmos ang naghahati-agawan
sa laman ng isang maliit na basong plastik:
nilagang mga butil ng mais
na binudburan ng pulbos
na lasang keso
sa malakanyang, kongreso at senado,
pinaghahatiang maibulsa
ng kalakhan ng mga pulitiko
ang kabang yaman ng bansa:
(pork barrel) bilyon-bilyong piso
Miyerkules, Agosto 21, 2013
[maria baleriz liwanag] pakikiramay
sino nga ba nag nagnanais
sa tuwing ang langit tumatangis
yaring pag-apaw ng mga batis
lilikha nang sanglaksang hinagpis?
kung sa bawat pagbuhos ng ambon
aawas ang tubig sa mga dam at ilog
hahayaan na lamang bang tayo'y ilugmok
nitong pagragasa ng baha at putik taun-taon?
aasa na lamang ba ang mga nayon at lungsod
sa awang wala naman sa mga pulitiko't panginoong
kumakamkam ng mga lupa at tubo sa matagal na panahon
habang sa mga tahanan hikahos ang baon-baon?
bawat segundo may kandilang itinutulos nang panalangin
bawat minuto may naghihingalo sa kahirapang sila ang dahil
bawat oras may pumapanaw sa kanilang pagkasakim
hanggang kailan ang itatagal ng pagtitiis?
hanggang saan ang hangganan ng pagtitiis?
hindi paghihintay ang pakikiramay
na maambunan tayo ng limos na sa atin papatay
hindi ito pag-asang maliligaw
sa ating pinto ang hustisya
sama-samang pagkilos natin ang pakikiramay
upang mga punla ng katarunga'y itanim
at sa kinabukasang nalalapit
lipunang 'di na paaapi ang ating aanihin.
[piping walang kamay] Panalangin tuwing umuulan
Maaawa po kayo sa sansinukob
Taun-taon na lang nalulubog
Tuwing bagyo sa bayan namin lulukob
Habang kayong mga panginoon
Sa tuwing magkakaroon ng unos
Hindi makababa upang tumulong
Na sagipin kaming nilulunod
Ng inyong pagkasakim sa pandarambong
Hindi lamang po limos na relief
Sa kahapisan namin ang makasasagip
Hindi rin sapat na yaong apektado'y mailakas
Kung sa lilipatan unti-unti namang mauutas
Dahil walang tubig, dagitab at kabuhayan
Malayo sa trabaho, paaralan at ospital
Bakit nga ba kasi higit na matimbang
Para sa inyo ang kikitain ng pamahalaan
Gayong serbisyong panlipunan di namin maramdaman?
Bakit nga ba kasi higit na matimbang
Ang maibubulsa ninyo at ng mga dayuhan
Ang pera ng Pork Barrel na dapat para sa serbisyong panlipunan
Dahil galing ito sa pagod ng sambayanan
Sa amin galing...
Amen!
[piping walang kamay] agua bendita
nagsanib muli ang bagyo at habagat
upang sa mukha natin sumambulat
ang malaking problemang buhat buhat
nitong bansa dahil sa mga pabigat
na naroon sa gobyerno ng mga korap
sinisingil na tayo ng tubig
galing doon sa langit
dahil di man lang nagngingitngit
ang ating mga konsensya sa galit
na itong kalakhan ng nasa gobyerno
itong mga nasa senado, kongreso
at maging ang batugang pangulo
sa pam-po-pork-barrel* abuso
tandaan, tandaan ninyo
galing itong pork sa iyo
galing sa pawis, luha at dugo
ng mamamayang Pilipino
kaya nating itong pagpapahirap mahinto!
[piping walang kamay] pam-po-pork-barrel
kaya ang maraming hapag
wala kahit tinik na isda
kaya maraming bahay at condominium
ang makikita mong walang nakasilong
dahil kalakhan inilikas ng kasakiman
doon na sa mga bangketa,
tabing estero, ilalim ng tulay piniling tumira
nagkakasya sa karton na pansapin
o mga lumang tabla o kahoy o pawid
at ayos na sa paghilata kapag dumidilim
kaya maraming pinuproblema
kung saan hahagilap ng pera
upang mapaaral ang mga anak at kapatid
kaya maraming namamatay sa pagkakasakit
at sa pampublikong ospital nagtitiis sumiksik
dahil sa pam-po-pork-barrel* nitong mga lintik!
Pam-po-pork-barrel* ang isa sa katiwaliang palasak noon pa man kung kaya laganap ang kahirapan sa bansa. Galing ang pork barrel o PDAF sa pagod ng mamamayan at dapat lamang na gugulin ito sa serbisyong panlipunan at hindi upang pagpestahan ng mga gahaman sa senado, kongreso at malakanyang. Kaya ang mapanghamong panawagan kina PNoy, Binay, sa mga senador at kongresista:#ABOLISHthePORKBARREL! Dapat direktang gugulin ang pork barrel sa serbisyong panlipunan.
Huwebes, Agosto 15, 2013
[severino hermoso] dahil doon
Ikaw pag-ibig.
Hindi kita mahal.
Dahil mahal kita.
Dahil sa iyo pag-ibig
kaya ito nagagawa.
Dahil doon
Masigasig
Nababalisa.
Dahil doon
Nalulungkot
Sumasaya.
Dahil doon
Nalulugod
Napopoot.
Dahil doon
Nagkakasama
Nagkakawalay.
Dahil doon
Humihinga
Namamatay
Dahil doon
Ikaw
Ako
Mamumukadkad
Maluluoy.
Dahil doon.
Ako
Ikaw.
ang larawan ay mula sa ursi's blog.
Miyerkules, Agosto 14, 2013
[Pablo Neruda] Bawat Araw na Nakikipaglaro Ka
Bawat araw na nakikipaglaro ka sa liwanag ng sandaigdigan
Banayad na panauhin, dumating ka sa bulaklak at sa tubigan.
Higit ka pa rito sa puting ulo na mahigpit kong tangan
bilang kumpol ng prutas, bawat araw, sa pagitan ng aking mga kamay.
Tulad ka ng walang-kwentang nilalang dahil kita'y minamahal.
Hayaan mong isaboy kita at makasama sa mga dilaw na kwintas na bulaklak.
Sino ang sumulat ng iyong ngalan sa mga titik ng usok kasama ng mga bituin doon sa katimugan?
O hayaan mong gunitain kita tulad ng kung ano ka bago ka pa umiral.
Biglang umalulong ang hangin at humampas sa aking nakapinid na bintana.
Ang langit ay isang lambat na pinagsisiksikan ng malabong isda.
Dito ang lahat ng hangin ay lumilisan sa malao't madali, lahat sila.
Hinuhubad ng ulan ang kanyang kamisa.
Ang mga ibon ay dumaraan, tumatakas.
Ang amihan. Ang amihan.
Maaari lamang akong makipagtunggali laban sa kapangyarihan nino man.
Pinapaikot nitong unos ang mga dahong tigang
at pinakawalan ang lahat ng bangkang nakatali kagabi sa kalawakan.
Ikaw ay narito. O, hindi ka nagtanan.
Sasagutin mo ako hanggang sa huling pag-iyak.
Nakakapit sa akin kahit na ikaw ay nasisindak.
Gayon pa man, minsan ang isang kakaibang anino'y tumakbo sa iyong mga tanaw.
Ngayon, ngayon din, maliit na nilalang, dalhin mo sa akin ang waling-waling,
at amoy nito maging ang iyong mga dibdib.
Habang kinakatay ang mga paru-paro nitong malumbay na hangin
Minamahal kita, at ang aking kagalakan ay kumakagat sa sirwelas ng iyong bibig.
Gaano ka nagdusa para lamang masanay sa akin,
Sa aking bagsik, nag-iisang kaluluwa, sa aking ngalan na nagpapatakbo sa kanilang lahat.
Kay maraming beses na nakita natin ang araw na nagliliyab, hinahagkan ang ating mga mata,
at sa may ulunan natin namahinga ang kulay-abong liwanag sa pag-alab.
Ang aking mga kataga'y umulan sa ibabaw mo, hinahagod ka.
Sa matagal na panahon minahal ko ang naarawang nakar ng iyong katawan
Hanggang ngayon iniisip ko na iyo ang sandaigdigan.
Dadalhan kita ng masasayang bulaklak mula sa kabundukan, mga bluebell,
matingkad na kastanyas, at mga pambukid na tiklis ng mga halik
Ibig ko
Na gawin kasama ka kung ano ang ginagawa ng tagsibol sa mga puno ng tseri.#
*Salin (pagtatangka) ni Severino Hermoso ng tula na "Juegas todos los dÃas" ("Every day you play") ni Pablo Neruda. Ito ay bahagi ng aklat ni Neruda na "Dalawampung tula ng pag-ibig at isang awit ng kawalang pag-asa".
Lunes, Agosto 12, 2013
[severino hermoso] prinsipyo
noong alayan siya ng gintong kwintas
may katernong makinang na hiyas
tila boomerang na sumalubong sa 'kin palabas
tugon mong ramdam ang pagkabanas
hindi kamo nabibili ang iyong pagmamahal.
naisip ko tuloy sa aking pagmumuni-muni
sa lipunang itong sakal sakal ang marami
nang pagnanais na magkamal ng yaman
at pag-angat sa iba ang batayan ng pag-unlad
ikararangal mong maging karelasyon ang isang tibak*.
*Ang tibak ay katawagang pinaikli patungkol para sa mga aktibista.
Ang larawan ay mula sa nivek zeuqracne
Linggo, Agosto 11, 2013
[piping walang kamay] paglaban ang ating kakampi
Magkikita kita rin tayo.
Matagal na magkakasama.
Magsasanib ang mga panalangin
Aawit din kasabay ng mga alipin
Yayanigin ng bawat nating himig
Ang kanilang labis na pagkasakim
Mangangatog ang kanilang mga tuhod
Manginginig ang mga braso't maninikluhod
Silang mapagsamantala bibitaw sa kabuktutan
Magmamakaawa sila sa ating harapan
Takot na takot at puno nang pagsisisi
Ngunit lahat hindi na mababawi
Bibigwasan sila ng makatarungang parusa
Di sila magagawang tubusin ng mga pagluha
Lalaya tayo!
Lalaya tayong mga inaapi
Kapag sama-sama nating pinili
Na paglaban ang ating maging kakampi
Magkikita kita rin tayo.
Matagal na magkakasama.
Kalayaan.
Biyernes, Agosto 9, 2013
[piping walang kamay] dila
malaon nang tinalikuran ng iba
dilang ibinigay nitong bayang sinta
mula noong iluwal ng lipunan
ang sanggol sa sinapupunan
mapait sa kabatiran niya
kumukurot sadya sa diwa
isinusuka ng mga anak ang sariling dila
habang pinag-iiging palitan
nang kung anong mayroon yaong mga dayo
mula sa kanluran
ipinagyayabang na animo kanila
tila ipinuprusisyon sa harap ng madla
mula ulo hanggang paa
mula talampakan hanggang bumbunan
silang nagmamalaki't nag-aastang banyaga
sa lupang tinalikuran na nila sa simula
noong piliing kanila
ang wika ng mga kanluranin
gayong dito sa silangan nakatanim
ang ugat kung saan sila nanggaling
hindi ko masukat kung anong dapat madama
kung tama bang kahabagan silang tumalikod na
sa ating pagkakayumanggi
sa kadakilaan ng ating lahi
dilang ibinigay nitong bayang sinta
mula noong iluwal ng lipunan
ang sanggol sa sinapupunan
mapait sa kabatiran niya
kumukurot sadya sa diwa
isinusuka ng mga anak ang sariling dila
habang pinag-iiging palitan
nang kung anong mayroon yaong mga dayo
mula sa kanluran
ipinagyayabang na animo kanila
tila ipinuprusisyon sa harap ng madla
mula ulo hanggang paa
mula talampakan hanggang bumbunan
silang nagmamalaki't nag-aastang banyaga
sa lupang tinalikuran na nila sa simula
noong piliing kanila
ang wika ng mga kanluranin
gayong dito sa silangan nakatanim
ang ugat kung saan sila nanggaling
hindi ko masukat kung anong dapat madama
kung tama bang kahabagan silang tumalikod na
sa ating pagkakayumanggi
sa kadakilaan ng ating lahi
Martes, Agosto 6, 2013
[maria baleriz liwanag] may tanong ang kasalukuyan Ka Andres
paano kung inyong malaman
na itong kasalukuyan
wala nang pagpapahalaga
sa inyong ipinaglaban
sa kalayaan at mga karapatan
na dapat nananahan sa mamamayan
rebolusyon pa din kaya'y inyong pasisimulan
kahit tiyak na sa paglahok ay kamatayan
at sasaulilain nitong iilan sa kasalukuyan
ang kinamatayang paglaya sa nakaraan
upang muli lamang na magpaalipin
sa sakmal ng mga dayong ganid?
Ang larawan ay mula sa spot
Lunes, Agosto 5, 2013
[piping walang kamay] Hu u, Boni?
ang dunong mong paglilingkod
noon, may awit kang hinimig
may dinuyan ka ring pag-ibig
noon, may tulang sinabuhay
pagpapakasakit ang alay
'pagkat pag-ibig para sa 'yo
huwag nakakahong ituro
na mamatay para sa bayan
ang tanging pinakasukatan
kundi buhay na lumalaban
para sa mga karapatan
ano man at nino man, saan man
'to ang pag-ibig sa sinilangan
ngunit paano ka kilala
ng nakaraan sa 'yong gawa?
ikalulungkot mo nga kaya
kung mabatid mong wala na nga
halaga sa kasalukuyan
ang paglayang ipinaglaban
sino ka nga ba, Bonifacio
para sa henerasyong ito?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)